A/N: Hi there! Nag post po ako uli ng aking Ask Station. Kaya kung may tanong man kayo just ask there haha
Fara's Pov
Ang lakas ng sigawan sa loob ng gym, abot dito sa backstage. Iba't ibang department ang hinihiyaw nila. Lahat ng mga candidates ay ready na, ilang minuto na lang bago magsimula. Para sa production number, nagsuot kami ng isang black halter dress na above the knee na kumikinang with black high heels. Sa mga lalaki naman nag suot sila ng skinny jeans with a white polo na hindi binutonisan. Hiwalay ang dressing room ng babae't lalaki kaya hindi ko pa nakikita si Jadyle. Tinignan ko na lang ang sarili ko sa salamin. The team put a heavy make-up and dark red lipstick. Kanina half bun ginawa nila, ngayon naman nilugay nila at kinulot sa dulo
"Your so pretah" ngiting sabi ng make-up artist ko
Nginitan ko din siya pabalik "Thank you po"
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang organizer at pinalabas na kami. Saktong paglabas namin bumukas din ang pinto ng dressing room ng mga lalaki at isa-isa silang lumabas. Ang iba nilagyan ng foundation, eyeliner at lipstick. Hindi naman madilim dito sa backstage sa katunayan ay maliwanag kaya kitang-kita kung ano ang hitsura namin. Napatingin ako sa mga kasama kong babae na impit na nagtitili dahil sa view na nakita nila. Lahad lang naman ang mga abs nila ang iba naman ay walang abs pero flat tummy. Kinikilig tuloy ang mga kasama ko.
Binalik ko na lang ang tingin sa mga lalaki at nagtama agad ang tingin namin ni Jadyle. Wala siyang foundation pero sa tingin ko ay nagpulbo naman siya. May kaunting lipstick din siya at inayos ang kilay niya. Nakaayos naman ang buhok niya. Napatingin ako sa suot niya at nagulat sa nakita ko. Huli cow! May abs siya, six pack. Binalik ko ang tingin sa kanya at nakitang tinitignan niya din ang ayos ko. Nang inangat niya ang tingin sakin, nginitian ko siya. Surprisingly, nginitian din niya ako. Umakyat na kami sa stage, at naghiwayan naman ang mga estudyante, cheering their departments. At dahil na rin sa nakita nilang magandang tanawin. Nagsimula na kaming sumayaw.
"SANA NAGSABI KAYO NA MAY PANDESAL DI TULOY AKO NAKADALA NG PALAMAN!"
"WAAAH! JADYLE ANG HOT HOT MO!"
"TRISTAN OHMAHGWAD YOUR SO GWAPO! ABS MO!"
Pinigilan ko ang matawa kaya ngingiti-ngiti na lang ako. Grabe naman yung isa magdadala talaga ng palaman. Nakakatuwa ang mga reaksyon nila. Natapos na kami sa pagsasayaw kaya introduction naman.
"ENGINEERING DEPARTMENT KAYA NIYO YAN! WOOO!"
"GOGOGO! BS MANAGEMENT FOR THE WIN!"
"TEACHING DEPARTMENT! LABAN!"
"NURSING LAMPASUHIN NIYO SILA! FIGHT! FIGHT! FIGHT!"
Nang kami na ay panay ang ngiti namin at kaway din sa iba.
"Fara Gabriel Smith" kinindatan ko sila kaya naman nagsisigaw sila
"Michael Jadyle Swift here" mas lalo namang nagtilian ang mga tao ng akmang tatanggalin ni Jadyle ang polo.
"From Business Management Department!" Sabay naming sabi
"I SHIP YOU TWO! YOU'RE SAILING!"
"YIEEH! JARA! JADYLE AND FARA! LOVE YOU BOTH!"
Hindi ko na mapigilan ang tawa kaya napatawa ako ng mahina sa sinabi nila bago tumalikod na para sa casual wear naman. Inistraight nila ang dulo ng buhok ko at ginawa itong messy bun. Nagsando na din ako ng kulay puti and tuck it in my denim short. Nagsneakers din ako ng kulay white.
Bumalik muli kami sa stage para sa casual wear. Lahat kami pareha nang isinuot dahil iyon naman ang sinabi nila. Sa lalaki, black sando at khaki shorts at sandal.Naunang rumampa ang taga nursing department na hawak kamay hanggang sa unahan. Sumunod naman ang taga teaching department na inakbayan ng lalaki ang pares niya at engineering na nakakapit ang kamay ng babae sa braso ng lalaki. Panay ang hiyaw ng mga estudyante sa bawat department na nagugustuhan nila.
"GO ACCOUNTING STUDENTS! HAKUTIN NIYO LAHAT!"
"TOURISM, ITOUR NIYO LANG YAN SILA AT IWANAN SA ERE!"
"HRM FOR THE WIN! MOVE GIVE WAY!"
Ikalima kami sa pitong department na nagtatagisan. Sabay kaming lumakad ni Jadyle papunta sa harap atsaka ko inilagay ang kamay ko sa balikat niya. Hinawakan naman niya ang bewang ko at nilapit ang mukha sakin hanggang sa napaliyad na ako. Napahawak ako sa batok niya. Nakamessy hair din pala siya katulad ko. Mahigpit pero hindi naman ako nasasaktan sa pagkakahawak niya sa bewang ko. Suporta sakin para hindi mahulog.
"OH MY GAAAAAAH! NAKAKAKILIG KAYONG DALAWA!"
"WAAAAH! JADYLE, WAG KANG GANYAN!"
"KYAAAAAAH JARA! JARA! JARA!"
Inalayan niya akong tumayo ng maayos at nagkatinginan muna kami at nginitian niya ako, yung hindi peke. Nginitian ko din siya pabalik bago tinignan ang mga judges at nginitian sila. Nang tinignan ko ang judge na panghuli, seryoso siyang nakatingin sakin. Nginitian ko na lang din siya
"ARGH! THOSE SMILE FARA!"
"MATUTUNAW NA AKO DITO SA NGITI MO JADYLE!"
Bumalik na naman kami sa backstage para sa evening gown at evening suit. This time isa-isa na kaming pupunta sa stage mauuna ang mga lalaki. Isusuot ko na rin ang pinagawa naming damit sa boutique para dito. My dress is long, simple yet elegant. May slit sa gilid nito na aabot sa six inches above the knee. It's a backless dress. Sa harapan naman ay may v-cut pero hindi naman mahaba sakto lang. Messy bun parin ang ayos ko pero tinirintas nila ang ibabaw ng buhok ko, hineadband ang porma ng tirintas bago nila minessy bun. Inayos din nila ang make-up ko and ginamit nila ang bright pink lipstick. Napares ito sa suot kong gown na red. And lastly I pair it with my four inches red stiletto heel
Lumabas na ako sa dressing room at nakitang nagsimula na sa paglakad sa runway ang mga lalaki isa-isa dito sa maliit na flatscreen tv sa backstage. Kanya-kanya din silang trip para magpakilig. May inatasan silang magcover ng video sa pageant kaya may napapanood kami dito sa backstage habang naghihintay.
"Fara! My gosh! You're so gorg. You look like a goddess" napalingon ako sa nagsalita at nakita si Megan na nakatakip ang kamay sa bibig. Taga engineering department siya at nagkaclose na din kami sa rehearsal. She's wearing a red silk long gown tube. Kumikinang din ito tulad ng sakin. Nakalugay ang straight niyang buhok.
"Salamat nakakaflutter naman. Ikaw din, you're pretty"
"Thanks" hagikhik niya kaya napatawa kaming dalawa
Sabay kaming pumuntang sa stage dahil turn na naman namin. Nasa backstage naman ang mga lalaki sa kabila sila dumaan kaya hindi namin nakita.
Panay pa rin ang hiyawan nila sa'min. Nang lumakad na ako papunta sa harapan natahimik sila bigla pero ilang segundo pa lang ay nagsipalakpakan at naghiyawan ulit. Todo naman ang ngiti ko sa kanila.
"YOU NAILED IT FARA!"
"NATAHIMIK KAMI SA KAGANDAHAN MO!"
"BESTIE KO YAN! GO BAKLA!" Napangiti ako sa narinig ko. Hindi ko siya makita dahil dim lights lang ang nasa kanila. Mas priority ang light sa'min para magandang tingnan dim lights lang sa kanila at may mga spotlight din namang paminsan-minsang tumutok sa kanila
"GIRLFRIEND KO YAN! WALANG KOKONTRA! FARA I LOVE YOU!" Namula ako sa sinabi niya. Mas lalo akong napangiti sa sigaw ni Tyler. Naghiyawan lalo ang mga tao. Bumalik nako sa mga kasama ko at nag pose kami, pumasok ulit ang mga lalaki kaya lumakas lalo ang hiyawan nila. Mas tumatagal mas lumalakas ang hiyaw nila. Paos sila bukas panigurado. Nagkatinginan kami ni Jadyle ng magkatabi kami. He dressed in an immaculate evening suit and a crisp white shirt. Mas gumwapo siya lalo. Nakamessy hair pa din siya. Sabay ulit kaming naglakad papunta sa runway. Ipinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko.
Tumalikod na kami at bumalik sa pwesto namin, this time it'll be the question and answer portion.
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
أدب المراهقينFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?
