Chapter 56 : Test

1.7K 39 7
                                    

Fara's Pov

Dalawang linggo na lang wala na kaming klase. At isang linggo na rin akong hindi nagkaroon. Dapat ay nung sabado pero wala. Wala naman akong naramdaman sa katawan ko. But, is it even possible? I should talk to them. Kinakabahan ako kung anong magiging reaksyon nila. Pero tanggap naman nila kung ano ang magiging resulta, pinaubaya na nga ako nila kay bakla, kala mo ikakasal kaming dalawa.

"Oh, ang lalim ng iniisip mo ah"

"A-ate.." Magdadate na naman siguro 'tong dalawa.

"Kanina ka pa po ba nandito?" Malamang Fara, sala 'to. Tumango-tango siya bago ako tinabihan sa couch.

"Antagal na natin hindi nagkausap. Ano? Kamusta ka na? Kayo ni Jadyle este love life mo?" Bahagya niya pang kinurot ang braso ko.

"Ate ang ganda niyo po"

"Ha?"

"Ha?" Balik-tanong ko sa kanya

"Wala, ang lalim talaga ng iniisip mo. You know i'm here" tinaas baba niya pa ang kilay niya

"Ate, uhm... May nabanggit po ba si Jadyle sa inyo tungkol sakin?"

Nag-aalala lang ako sa kanya. Hindi naman niya ako tinitignan kahit usap hindi. Tuwing lalapit naman ako sa kanya, lumalayo siya. Feeling ko, umiiwas siya sakin. May nagawa ba akong masama sa kanya?

"Yun nga lang, wala. Bakit? May problema ba?"

"Wala naman po. Natanong ko lang"

"Uy, nagbablush siya" napahawak agad ako sa pisngi ko, hindi naman eh

"Sabi na nga ba, love mo pa ang kapatid ko" panunukso niya, kala mo hindi galing sa states kung magtagalog, medyo nawala na rin ang accent niya sa pagtatalog

"Wala na po ba kayong magawa? Nako, wag niyo po akong ganyanin. Lakad na lang po kayo ni kuya

"Sugar" napairap na lang ako sa sinabi ni kuya. Nagyakapan pa silang dalawa sa harap ko

"Nakita ko yun"

"Wala po yun, sige una na po ako"

Umalis na ko at pumunta sa kwarto. Ano naman ang gagawin ko dito? Magmukmok? Kumuha na lang ako ng damit at naligo. Nasa baba pa rin sila pagbaba ko. Agad silang napatingin sakin.

"San punta mo?"

"Diyan lang sa tabi-tabi kuya" Kinunotan naman niya ako ng noo

"Joke lang. Sa may malapit na mini stop lang kuya"

"Samahan na kita"

"O.a mo kuya diyan lang naman yun sa unahan. Sige po"

Napabuntong-hininga ako bago pumasok sa loob. Isang bagay lang naman ang dahilan kung bakit nandito ako sa loob. Ang bumili ng pregnancy test. Nagsearch pa ako kagabi kung pano gamitin.

Dumiretso agad ako sa cashier at nginitian siya. Kilala pa naman ako niyo dahil palagi kaming pumupunta dito pag walang magawa.

"Hi! San si Jess?" Tanong niya agad, crush pa naman nito si bakla kahit may boyfriend na siya

"Ang sakit ha, siya una mong nakita. Hoy! May boyfriend ka na" napahalakhak siya sa sinabi ko

"Hindi na" nakangiting sabi niya

"Dahil....... May fiancé na ako!" Kinikilig na sabi niya habang pigil na tumalon. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Matagal na din sila ng boyfriend niya

"Sasabihin ko lang sana kay Jess na hindi ko na crush. Alam mo na baka may feelings na yung tao sakin"

"Corny mo talaga" natatawang sabi ko sa kanya

"Nga pala, anong bibilhin mo?"

"Ah....Uhm. May, pre-pregnancy test ba kayo?"

"Oo naman, para sa project niyo ba 'to?" Napangiti na lang ako sa nasabi niya. Buti na lang yun agad ang naisip niya

"Lima nga"

This is it. Titingnan ko na lang kung ano ang magiging resulta, is it negative or positive?

Revenge Ni Mr. NerdWhere stories live. Discover now