Fara's POV
Nagpadala lang ako kay Tyler hanggang sa makarating sa room. Titig na titig ang mga kaklase namin na para bang hindi nila kami kilala. Nginitian ko na lang sila, ngunit ganon parin ang expression nila.
"Tyler, and Fara. Good morning sa inyo! Na istorbo ba namin kayo?" Fuck! Napatingin ako sa whiteboard at nandon ang terror naming teacher.
"Sorry ma'am. May importante lang po akong pinuntahan. Wag niyo nang idamay si Fara dahil siya ang representative namin, and practice time nila ngayon. Nagkataon lang na magkasabay kami, may nakalimutan siya" Tinaasan lang siya ng kilay ni Ma'am
"Hindi ako madadala sa mga ganyan, papalampasin ko ito but next time hindi na" tumango lang kaming dalawa. Pumasok na si Tyler at ako naman bumalik na lang sa audiovisual. Nagtext pa si Tyler na babawi siya.
Napatigil sila sa kanilang ginagawa pagpasok ko sa audiovisual, at nagpabalik-balik ang tingin sakin at kay Jadyle. Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso sa may pinakagilid bago umupo.
"Next time, ayaw kong magdala na kayo ng boyfriend niyo dito para walang gulo" sabi ng choreographer namin, nilingon ko si Jadyle na nakangisi
"At wag din sana tayong magpapadala sa mga emosyon natin" ako naman ang napangisi ngayon
"Wag niyong dalhin ang problema niyo dito, kaya please lang ha. Malalaki na kayo. You're all grown up now" Tumingin siya sa gawi ko at kay Jadyle at sabay niya kaming tinuro
"Kayo! Mag sorry kayo sa isa't-isa ayaw kong may nag-aaway. Dali!"
Nagtitigan lang kami at walang nagbalak na tumayo para mag-sorry. Maya-maya ay itinayo ako ng kasama namin dito at hinarap kay Jadyle. Ganon din ang ginawa nila sa kanya dahil pareho kaming nakaupo
"Bilis! Magyakapan na at magsorry sa isa't-isa para makauwi" Tiningnan ko siya, wala siyang ekspresyon
"Oh? Magtititigan lang ba kayo o magyayakapan sabay sabi ng sorry ng makauwi na" nagrereklamo na din ang mga kasamahan namin, kaya ako na nag-effort
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya, naramdaman ko ang paging hindi comportable niya ng niyakap ko siya, hindi siya nakagalaw
"Sorry" seryoso kong sabi
"Sorry" sabi niya din sa seryosong boses
Mabilis akong bumitaw at tinignan ang choreographer
"Okay, dahil nagsorry na kayo sa isa't-isa. Pwede nang lumabas"
Dumiretso na ako sa cafeteria para makakuha na ng table. I texted Tyle na dito na lang maghinintay. Naghintay din ako ng ilang minuto bago sila dumating. Si bakla naman nagtanong agad.
"Bruha! Tyler! Ba't magkasama kayo kanina? Late pa"
"It's a long story Jess"
"Order lang ako" sabi ni Tyler at umalis na
"Gaga, make it short, sa pagsosolove nga ng mga equation ang hahaba pero may shortcut naman kaya e shortcut mo na lang rin"
"Pumunta siya sa audiovisual at ewan ko? Siguro naghintay sakin?" Tanong ko sa kanya
"Bruha ka talaga! Hindi ko kaya siya nakita kanina, sinabi mo bang nasa audiovisual ka?" Tanong niya rin sakin.
"Hindi"
"Here you go ladies" nilapag niya ang tray na may tatlong order ng pizza, at fries at tatlo ring coke bago umupo sa tabi ko
"Uhm Tyle, ano nga pala ang ginagawa mo sa audiovisual kanina?" Sumubo muna siya ng fries
"Papunta na sana ako ng classroom nang makita kita na nasa labas kaya sinundan kita. Bumili muna ako ng pagkain at saktong pagpasok ko nagpapahinga na kayo" ngumiti siya at pinisil ang ilong ko
"Ang sweet niyo naman, pwedeng ako din Tyler?" Biro ni Jess kay Tyler habang tinaas-baba ang kilay niya. Napatawa na lang kami sa kanya
Biglang may tumunog na phone, kay Tyler. Kinuha niya ito sa bulsa niya at tiningnan muna kung sino ito. Hindi niya ito pinansin at binalik muli ang cellphone. Ring ng ring ang cellphone niya kaya naman sinabihan ko siyang sagutin na ito baka importante. Sinagot naman din niya at lumayo sa'min. Ngayon lang siya lumayo saamin habang may kausap sa phone, madalas on ang speaker niya at nandito pa sa tabi namin nakikipag-usap.
"Tingin ko may lihim si Tyler"
"Oh! Yes bitch, kung ako ang girlfriend niya babantayan ko siya. Baka kung sino na ang tumatawag sa kanya" pinanliitan ng mata ni Jess si Carla, na umupo sa tabi ko.
"Ikaw Fara, wala ka bang nasesense sa boyfriend mo? Feel ko may iba na siya, right girls?" Wala namang ibang magawa ang mga kaibigan niya kundi ang tumango. Tumayo na din siya at humanap na sila ng mauupuan,
Napatingin ako sa likod ni Tyler habang may kausap sa phone, baka relatives, friend, o parents niya lang. I trust him.
A/N: This chapter is dedicated to you @Marseclipse thank you po sa pagbabasa ng story ko. And advance happy birthday
YOU ARE READING
Revenge Ni Mr. Nerd
Teen FictionFrom an ugly nerd to a handsome prince. And now he will do everything and anything to hurt her feelings. Will he stop his revenge?