Kabanata 2.
Pumikit ako upang gisingin ang aking sarili. I want to rest. I don't want to dream at all. Madalas ay hindi naman ako nananaginip kapag pagod na pagod ako. Hindi ko alam kung bakit nananaginip ako ngayon.
Bukod don, aware na aware din ako na para bang wala ako ngayon sa loob ng aking panaginip.
Nang imulat ko ang aking mata ay wala pa rin nagbabago. Nasa gitna pa rin ako ng field. Napahinga ako ng malalim bago ko napagpasyahan na maglakad.
Well, this school looks so huge and beautiful. Unang tingin palang ay sigurado na agad ako na isa itong private school na mayroong sobrang mahal na tuition fee.
Ang nakatayong malaking school building sa aking harapan ay parang isang mall. Pakiramdam ko tuloy ay nakakahiyang pumasok. Nasa labas palang ako ay amoy ko na ang amoy ng mga mayayaman na estudyante.
Kahit siguro buhay ang aking magulang ay hindi ako makakapasok sa ganitong school na mukhang international school.
Maglalakad na sana ako papasok ng building ngunit agad akong napatalon sa gulat nang biglang tumunog ang malakas na school bell. Mabilis akong tumakbo palayo sa school building dahil alam kong magsisilabasan na ang mga estudyante.
Nang makalayo ako sa may school building ay napansin kong nasa may likod ako ng maliit na building na hindi rin kalayuan sa pinanggalingan ko.
Ngunit natigilan din ako nang maalala ko na nasa loob ako ng aking panaginip. I don't really need to hide and run away, right?
Ang unang reaction ko ay tumakbo at magtago dahil ayokong makita ako ng mga estudyante dito. Ngayon ko lang naalala na nasa loob ako ng panaginip. Bakit kasi mukhang wala naman ako sa loob ng panaginip.
Napakamot ako sa aking ulo bago ako naglakad ulit. Naglibot-libot lang ako at napansin kong hindi ako pinapansin ng mga estudyante, or mas mabuting sabihin na parang hindi nila ako nakikita.
Upang makumpirma ko ang aking hinala ay humarang ako sa daanan ng dalawang babae.
Katulad nga ng aking hinala, hindi nila ako nakikita at nahahawakan. Tumagos lang ang dalawang babae sa aking harapan.
Napangiti ako ngunit nawala din agad ang aking ngiti.
I really want to rest my brain right now. I really don't want to dream. Paano ba lumabas sa weird na panaginip na ito at gaano ba ako katagal mananaginip.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal naglilibot sa loob ng school na 'to. Nang mapansin kong nagsisibalikan na ang mga estudyante ay napagpasyahan kong magtungo sa library building na nadaanan ko kanina.
Nang makarating ako sa may library building ay hindi agad ako pumasok dahil napansin ko ang mga kalalakihan na naglalakad patungo sa may likod ng library building.
Balak ko sana silang hindi pansinin ngunit napansin ko ang nakayukong lalaki sa gitna. Matatangkad sila at ang ilan sa kanila ay nakasuot ng jersey. Siguro ay mga athlete.
Maging ang nakayukong lalaki sa gitna ay matangkad din at may magandang hubog ng katawan. Kung hindi ako nagkakamali ay mga senior high students sila dahil hindi sila mukhang junior high students.
Dahil wala naman akong gagawin sa loob ng library ay napili kong sundan na lamang sila. Nang makarating sila sa likod ng library building ay tsaka lamang sila tumigil.
There's a trash cans in here. May mga nakatambak na pipes din at ilang mga lumang basketball, soccerballs at baseball bat din na nakalagay sa isang cart.
"I already warn you before. Don't show up in practice. I already told coach that you don't want to join basketball anymore. You're good at studying right? Then that's enough. Don't provoke me or I'll break your legs and hands."
BINABASA MO ANG
The Man She Met In Her Dreams
RomanceHer dream is someone's reality. His reality is someone's dream. TAGLISH STORY APRIL 2022