KABANATA 4

9.4K 554 17
                                    

Kabanata 4.

"Yeah, It's me. It's nice to see you again but you really need to get a cold ice or water right now. Look, your skin is starting to bloat!" Natataranta kong saad ng makita ko ang kaniyang namumulang braso.

"How did you know where I live? Did you follow me?" Nakangisi niyang tanong sa akin.

Napakunot-noo ako bago ako umiling.

"No, I don't even know why I am here and this is my dream, you know." Pinagtaasan ko ng kilay si Gavon ng tingnan ko siya.

Nginisian niya lang ako bago niya ako nilagpasan. Pinanood ko lang siyang buhatin ang kaniyang nanay na nawalan na pala ng malay.

Hindi ako nagsalita at wala rin akong balak na magtanong sa kung anong nangyari sa kaniyang nanay. Kahit alam kong parte lang sila ng aking panaginip, pakiramdam ko ay hindi pa rin maganda na makialam sa buhay nila dito sa aking panaginip.

I know it's sounds strange and nonsense but everytime I interact with Gavon, I felt like he's a real person, a living one. However, I know that he's just a part of my dreams. Kung totoo man siya, malabong makilala ko siya.

Sinundan ko lang si Gavon. Nang maibaba na niya sa kama ang kaniyang nanay ay bumalik muli siya sa kusina. Nagtungo agad siya sa may lababo. Binuksan niya ang gripo bago pinaagos ang tubig sa kaniyang braso.

"Do you have an ointment here? It's better if you put an ointment on your burn skin," seryoso kong saad habang nakatingin sa kaniyang mapulang braso. Napatingin din ako sa kaniyang basang damit at sigurado ako na maging ang balat sa kaniyang tiyan ay naapektuhan din.

Naapangat ako ng tingin sa kaniya ng maramdaman ko ang kaniyang titig.

"Why are you so concerned with me?" Natatawa nitong tanong.

Hindi agad ako sumagot.

It's not that I am concerned with him wholeheartedly. Malakas lang talaga ang sense of responsibility ko. Lalo na dahil mas bata siya sa akin. I felt like he needed some guidance and help.

I don't know why I am dreaming of this. For now, I will just go with the flow of my dreams. It's not like he can hurt me or anything. Wala din mawawala kung gagawin ko ang gusto ko sa aking sariling panaginip.

Isa pa, he reminds me of my brother.

"Because I can see my younger brother in you. Though, you and him are totally different but I suddenly felt the need to watch over you when I saw you," nakangiti kong sagot sa kaniya.

Inangat ko ang aking kamay upang sana ay i-pat ang balikat niya ngunit agad na tumagos ang kamay ko sa kaniyang balikat kaya naman awkward akong natawa. Right, I can't touch him.

"So, you are treating me as a younger brother?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

"Yeah, maybe." Nagkibit-balikat ako.

Matapos gamutin ni Gavon ang kaniyang balat sa braso at sa tyan ay nilinis na niya ang nagkalat na pagkain sa sahig.

Sinundan ko siya patungo sa labas ng kaniyang bahay. May backyard sila sa likod ng kusina. Nang maitapon na niya ang mga kalat ay bumalik na ulit siya sa loob ng bahay.

I am really fascinated right now. Hindi ko akalain na ganito kavivid ang isang panaginip. Pakiramdam ko talaga ay wala ako sa loob ng panaginip.

Pumasok si Gavon sa kaniyang kwarto at naupo sa tapat ng kaniyang desk. Nakita kong madaming notebook sa kaniyang lamesa na magkakapatong. Tiningnan ko ang nakasulat sa harapan ng notebook na iyon at napansin kong hindi niya iyon pangalan.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon