KABANATA 17

7.8K 535 57
                                    

Kabanata 17.

I think Hullien deserves an award for being the best videographer and best friend. Natatawa ako dahil sobrang effort ni Hullien, as in wala siyang pake kahit may nahaharangan siya mavideohan lang ang bawat galaw ni Gavon.

Kung kaya ko lang humawak ng mga bagay ay baka nag volunteer na rin ako para videohan si Gavon. Mukha pa naman iyong masaya. Sana makuhanan ni Hullien ang lahat ng magagandang anggulo ni Gavon.

Sana nakuhanan niya rin ang part kanina noong tumaas ang damit ni Gavon. Medyo sumilay sa aking paningin ang 6 packs abs ni Gavon noong nagdunk siya.

Kung nasesave nga lang din sa aking utak ang video ni Gavon habang naglaro ay willing akong isave 'yon at ilagay sa favorite memories. Yun nga lang, hindi ko iyon magagawa.

Parang gusto ko tuloy kunin kay Hulien ang SD card niya mamaya kapag natapos na niyang videohan si Gavon. Ngayong araw kasi ay sobrang gwapo ni Gavon. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang habang lumilipas ang mga araw ay mas gumagwapo siya sa paningin ko.

Mukhang kapag nagtagal pa ang mga ganitong panaginip ko ay baka mapa age doesn't matter talaga ako. Buti nasa tamang pag-iisip pa ako at aware pa din akong panaginip lang ang lahat ng ito at hindi talaga nag-eexist si Gavon.

Nang magkaroon ng 2 minutes break ay tumayo ako at nilapitan ko si Gavon. Pinanood ko siya habang umiinom siya ng tubig.

"You look incredibly handsome today. Are you in a good mood?" Nakangiti kong tanong kay Gavon.

Tumingin sa akin si Gavon bago ko nakita na para bang namumula ang kaniyang tenga.

"Do I  really look handsome today?" Nakangising tanong sa akin ni Gavon kaya tumango ako. Gusto ko sabihin na lagi naman siyang gwapo.

"Dude, why are you asking me that? You look the same as usual," biglang saad ni Hullien.

Hindi ko alam kung kailan siya napunta sa tabi namin ni Gavon. Hindi ko rin napansin na nakatutok ang camera niya kay Gavon.

Mabilis ko naman na inangat ang aking kamay para sana takpan ang mukha ko dahil paniguradong hagip ako sa camera ngunit agad rin akong natigilan nang maalala ko na hindi nga pala ako nakikita ng ibang tao bukod kay Gavon. Hindi rin siguro ako mahahagip sa camera. Mas nauna lang talagang gumalaw ang reflexes ko. Hindi kasi ako mahilig humarap sa camera. Halos bilang nga lang sa kamay ang selfie sa aking cellphone. Karamihan pa don ay kasama ko si Shantal.

Tumingin ako sa hawak ni Hullien na camera bago ako muling tumingin kay Gavon.

"You should save a copy of that video," pahayag ko kay Gavon.

"Why?"

"So I can watch it whenever I want, at your house." Natatawa kong saad sa kaniya.

Tinitigan ako ni Gavon. Magsasalita pa sana siya pero tinawag na siya ng coach.

Nang magsimula ang second quarter ay muling nag-ingay ang mga babae na nakaupo sa aking likod. Actually, hindi lang sila ang nagchicheer kay Gavon. Dumami sila na para bang may kumalat na virus.

Sa tingin ko ay pwedeng tawagin iyon na Gavon-virus.

Too bad for them. Ngayon lang nila mapapanood si Gavon dahil wala ng susunod pa. Isang game lang ang napagkasunduan nila ng team captain na si Tyron at mukhang naiintidihan ng coach ang mga nangyayari sa kaniyang players.

Mukhang wala din naman balak si Gavon na magpatuloy sa pagsali sa basketball dahil alam kong mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang plano niya sa buhay.

He is just doing this for his mother's request.

Nang matapos ang second quarter ay nagkaroon ng half-time break. 15 minutes silang break kaya nagsibalikan ang mga players sa nakaasign na waiting room para sa school nila Gavon.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon