KABANATA 47

12.7K 696 112
                                    

Kabanata 47.

"Why are you brats looking at me like that? Am I not welcome here?" Singhal kaagad ni Donato Reventon sa limang taong gulat na nakatingin sa kanila.

"I told you, don't use your angry voice." Saway ni Leila Sullerian-Reventon sa kaniyang asawa ng marinig ang galit na tono ng boses nito.

Natahimik si Donato Reventon bago niya inilibot ang paningin sa buong silid. Tumigil lang ang tingin ni Donato Reventon sa babaeng nakaupo ngayon sa may hospital bed. Nakatingin din ang dalaga sa kaniya na para bang kilala siya nito.

Agad nagliwanag ang mata ni Donato Reventon ng matitigan niya ang magandang mukha ng babae. Maging si Leila Reventon ay hindi na pinansin ang kaniyang asawa ng mapansin niyang nakatingin sa kanilang dalawa ang babaeng nasa may hospital bed.

Masayang naglakad ang dalawang matanda patungo sa babaeng nakaupo ngayon sa hospital bed. Hindi na nila pinagkaabalahan na pansinin ang kanilang apo. Hindi na rin sila nag-abalang ipaliwanag kung bakit bigla nalang silang sumulpot.

"Hi. How are you little girl? I am Gavon's grandmother. You can call me Grandma Lei. I heard from my grandson that you are his girlfriend," masayang saad ng matatandang babae sa harapan niya. Hindi pa nakikita ni Leila Reventon ang girlfriend ni Gavon pero base sa nasaksihan niya kanina pagpasok palang nila ng kaniyang asawa ay alam niya na agad. Isa pa, siya lang itong nasa hospital bed at wala ng iba.

Nang marinig ni Allora ang tinawag sa kaniya ng matandang babae ay pinigilan niyang mapangiwi. Napilitan na ngumiti si Allora sa dalawang matanda sa kaniyang harap.

"I'm not a little girl anymore Grandma. I'm already 21 and I will turn 22 soon," natatawang saad ni Allora sa matandang kausap niya.

"Oh, I know. I know. Grandma just wanted to call you that because I still don't know your name," masayang saad pa ni Leila Sullerian-Reventon.

"Right, we still don't know your name because of this brat!" Usal ng matandang lalaki at mahinang hinampas niya ng kaniyang tungkod si Gavon.

"Why is it my fault?" Tanong ni Gavon. Nakatayo lamang siya sa may tabi at tahimik na nakatingin kay Allora at sa dalawang matanda habang siya ay nakapamulsa.

Hindi niya akalain na pupunta dito ang dalawang matanda. Hindi niya rin sinabi sa dalawang matanda kung anong nangyari kay Allora kaya isang tao lang ang pumasok sa isip niya ng makita niyang dumating ang kaniyang grandpa at grandma. Sino pa bang magsasabi ng kalagayan ng kaniyang girlfriend sa dalawang matanda maliban sa kaniya, syempre, si Hullien lang.

"Grandma, Grandpa. My name is Allora Gulliven. Nice to meet you po," nakangiting pagpapakilala ni Allora sa dalawang matanda.

Nang magsalita si Allora ay muling ibinigay ng dalawang matanda ang buo nilang atensyon dito. Kaya ng marinig nila ang sinabing pangalan ni Allora ay hindi agad sila nakapag-react.

"O-Oh, you are Allora?" Nakangiting saad ni Donato Reventon sa kaniyang future daughter-in-law.

"Allora?" Saad naman ni Leila Sullerian-Reventon. Tumingin siya kay Allora bago niya inilipat ang tingin sa kaniyang apo.

Nagtataka siyang tumingin muli kay Allora. She looks young. Twenty-one palang din siya ngayon kaya 10 years ago, 11 palang siguro ito. Hindi naman siguro siya ang sinasabing girlfriend noon ng kaniyang apo, hindi ba?

"What a beautiful name, Allora." Masayang saad ng matanda. Nagkibit-balikat nalang siya dahil hindi na iyon importante ngayon.

Lalo na dahil pansin niya ang tingin ng kaniyang apo kay Allora. Halata sa mata nito na mahal niya talaga ang babae. Kahit kailan ay hindi pa niya ito nakitang tumingin ng ganon kahit kanino. Kahit sa kaniya or kahit sa kaniyang nanay.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon