KABANATA 30

8.1K 549 137
                                    

Kabanata 30. 

Nang makabalik kami sa bahay nila Gavon ay pansin kong matamlay si Auntie Hillbeth. Alam kong dahil iyon sa pagbisita ni Mr. Reventon ngayong araw.

Kinabukasan, nakatanggap ng tawag si Gavon mula kay Hullien noong sumapit ang hapon. Dahil gusto kong malaman kung bakit tumawag bigla si Hullien ay nilapit ko nalang ang aking tenga sa cellphone ni Gavon para marinig ko.

Ayon kay Hullien may gaganapin muling drag racing sa Rockbelt Park ngayong araw. This time, kahit sino ay pwedeng sumali.

"Wow! 10 million ang winning prize ng 1st place?" Gulat kong saad kay Gavon at napatakip pa ako sa aking bibig.

"Do you want to go? You can borrow my car," saad ni Hullien sa kabilang linya kaya napatingin ako kay Gavon.

"Yeah, what time?"

"12 midnight sharp," sagot ni Hullien.

Nang matapos ang tawag binalingan ako ng tingin ni Gavon.

"Why are you looking at me like that?" Tanong ni Gavon sa akin.

Nagpuppy eyes naman ako kay Gavon.

"Can you teach me how to drive. I also want to join," pahayag ko kay Gavon.

Hindi ko kasi inexpect na ganon kalaki ang mapapanalunan kapag nanalo sa drag racing. Iyong pera na iyon ang kailangan ko para makapagpaopera na ako. Baka nga sobra pa ang halaga na iyon sa operation fee na kailangan ko.

"What? You also need money?" Natatawang tanong sa akin ni Gavon.

Mabilis akong tumango.

"Yes, a lot of money. I need money to live for a long long time," seryoso kong saad kay Gavon.

Natawa si Gavon dahil sa aking sinabi.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa pera. Mabuti nalang apo ako ni grandma. Madami akong pera," saad bigla ni Gavon kaya pinanliitan ko siya ng mata.

"Akala ko ba hindi mo tatanggapin ang kayamanan ng mga Reventon," natatawang saad ko kay Gavon.

Nginisian ako ni Gavon.

"My grandma is from the Sullerian Family. She owns a lot of properties and assets. Her money is not from the Reventon's," paliwanag sa akin ni Gavon kaya napanganga ako.

Wow, so Gavon is really a blue-blooded person. His background is not ordinary.

Sullerian? That sounds familiar for some reason.

Right. Ang school na pinapasukan ngayon ni Gavon ay Sullerian Private High School. Ibig sabihin, pag-aari iyon ng kaniyang grandma. Isa pa ay yung, Sullerian Private Hospital. Kaya pala pamilyar.

"Kung ganon, bakit kailangan mo pang maghanap ng mga sidelines?" Nagtatakang tanong ko kay Gavon.

Nginisian ako ni Gavon bago siya nagsalita.

"I'm more comfortable spending my own money. My grandma knows that and I really want to build my own empire."

"I changed my plan when you left me two months ago. I realized that I really need to start from the scratch. I want to name my company after you," paliwanag sa akin ni Gavon kaya nagulat ako.

"Are you serious?" Hindi makapaniwalang saad ko kay Gavon.

"Yep. I'm serious," nakangiting saad sa akin ni Gavon.

---

Buong araw ngayon na nasa loob lang ng kwarto si Auntie Hillbeth. Kung hindi pa siya pipilitin ni Gavon na kumain ay hindi talaga siya kakain.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon