KABANATA 7

8.2K 543 55
                                    

Kabanata 7. 

"Nanonood ka ba o hindi?"

"Huh?"

Wala sa sariling napatingin ako kay Alroy. Hindi ko napansin na nakaharang pala siya sa harap ng TV

"Anong iniisip mo? You look worried," pahayag pa sa akin ni Alroy.

"Oh, I, It's nothing. Wala akong iniisip." Umiling ako bago ko itinuon ang aking atensyon sa may TV.

"Really?" Tanong pa niya sa akin kaya mabilis akong tumango.

"Really. Ako'y nanonood, huwag kang humarang sa TV." Magkasalubong ang kilay kong saad kay Alroy.

"Okay," saad nito bago umalis sa aking harapan.

Nailing nalang ako, ngunit bigla ko ulit nilingon si Alroy. Hindi siya nakapambahay.

"Sunday ngayon, tama ba? Saan ka pupunta?" Tanong ko sa aking kapatid. Napatigil ito sa pagbubukas ng pinto. Hindi niya ako hinarap.

"May bibilhin lang ako. Huwag mo na rin akong hintayin mamayang lunch," sagot niya sa akin bago siya lumabas.

Hindi naman ako nakaimik. He's going out? With whom? Don't tell me may kadate siya ngayon? No way. My brother is still a minor and he can't date yet. Alam niya rin ang bagay na iyon. Pero base sa simpleng suot niya, mukhang pupunta lamang talaga siya sa bayan para bumili ng kung ano man ang bibilhin niya.

Muli kong tinuon ang aking atensyon sa TV. Pero agad din lumipad ang aking isip ng maalala ko si Gavon.

Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pag-aalala at kaba ko para sa kaniya. Alam kong panaginip lang iyon at hindi totoo, pero ang experience sa loob ng panaginip ko ay napakarealistic.

Kaya ngayon, hindi ko maconvince ang sarili ko na hindi isipin si Gavon at sa huling panaginip ko kung saan mukhang sasaktan talaga ni Eric si Gavon.

'It's only a dream.'

Kanina ko pa yon nirerecite sa isip ko pero wala rin iyong talab. Mukhang nadala ko sa paggising ko ang aking kaba at pag-aalala.

Napasabunot ako sa aking buhok bago naglupasay sa sofa. I don't want to dream anymore. Masyadong weird ang mga nangyayari sa aking panaginip. Lalo na dahil kada nananaginip ako ay laging may hindi magandang nangyayari kay Gavon.

Nangunot ang noo ko bago ako napaayos ng upo ng maisip ko ang bagay na iyon. If I think about it, sa dalawang panaginip na meron ako nitong mga nakalipas na gabi ay laging nandon si Gavon. Noong una ay sa kaniyang school. Pangalwang beses ay sa harap mismo ng bahay niya. Syempre, iisipin ko lang na coincindence lang ang bagay na iyon dahil dalawang beses palang iyon.

Pero sa loob ng pangalwa kong panaginip ay may kakaibang nangyari. Napunta ako sa ibang lugar bigla, pero ang weird pang bagay ay nandon rin si Gavon. Mukhang siya ang main character sa aking panaginip.

I am still uncertain. Siguro makokumpirma ko lang iyon kapag nanaginip ulit ako.

But my brain is really great. It can create such scenes and characters. I genuinely felt scared because of that guy Eric. He looks scary. Ako ang nakaramdam ng takot para sa kalmadong si Gavon noon. Isa pa, ang mga taong nakilala ko sa aking panaginip ay parang mga may sariling isip.

Nananaginip naman ako dati pero hindi yung ganito. Kadalasan sa mga panaginip ko dati ay agad ko rin nakakalimutan kapag nagising na ako. Minsan nga ay hindi ko alam kung nanaginip ba ako o hindi.

Pero ngayon, dalawang beses na akong nanaginip na para bang wala ako sa loob ng panaginip. Bukod don, tandang-tanda ko rin lahat ng mga pangyayari.

Napatalon ako sa gulat ng biglang tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Tumingin ako sa caller ID bago ko sinagot ang tawag.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon