KABANATA 25

7.7K 516 223
                                    

Kabanata 25.  

Gusto ko talagang sabihin kay Gavon na hindi ko na iniisip na nasa loob lang ako ng isang panaginip. Gusto kong sabihin sa kaniya na may posibilidad na totoo lahat ng nangyayari at aware na ako sa bagay na iyon. Ngunit sa tuwing bubuksan ko ang topic tungkol don ay hindi niya ako pinapakinggan o hindi kaya ay pinapatigil niya ako sa pagsasalita.

Nagtataka talaga ako kung bakit. Tinanong ko na rin sa kaniya kung bakit ayaw niyang pag-usapan namin iyon ngunit hindi niya ako binigyan ng maayos na sagot. Ang sabi niya ay ayaw niya lang.

Ang sigurado lang ako ay iniisip niya pa rin na isa akong multo.

--

In Gavon's world, Christmas is approaching. Maraming mga snowman na nakadisplay sa paligid at maraming mga christmas tree.

Natabunan na rin ng mga nyebe ang daan.

"Kailan ang christmas vacation niyo?" Tanong ko kay Gavon dahil naglalakad kami ngayon papasok sa school nila.

"16 or 17," sagot sa akin ni Gavon.

Hindi pa kami nakakarating sa building ng school ay nahagip na ng mata ko si Hullien na bigla nalang sumulpot sa tabi ni Gavon.

"Gavon, I heard your grandfather called you back? Is he forcing you to join your family's company?" Pagtatanong ni Hullien.

"You sure are updated about me," pahayag ni Gavon.

Malakas na natawa si Hullien.

"Paanong hindi ko malalaman, nagpunta ang grandpa mo sa R'S Corporation kahapon para kausapin ang tatay mo tungkol sayo at dahil nandon din si dad nung mga oras na iyon ay nalaman niya na kinausap ka pala ng grandpa mo," pagkukwento ni Hullien.

Bilib talaga ako sa galing chumika ni Hullien. Mukhang paggising niya ay hindi niya kinalimutan ang bagay na iyon.

"He called me for nothing," usal lang ni Gavon.

"Hindi lang yon, narinig ko din na may girlfriend kana," nagtatakang tanong ni Hullien.

"Yeah," usal lang ni Gavon.

"No, you are just lying right? Paanong hindi ko alam na may girlfriend ka kung lagi lang naman tayong dalawa ang magkasama at wala ka rin kaclose na babae kaya hindi mo ako maloloko." Nakangising niyang tiningnan si Gavon.

Napakamot ako sa aking ulo dahil sa kulit ni Hullien. Hindi naman kasi pwedeng sabihin ni Gavon na may girlfriend siyang hindi nakikita ng ibang tao. Magmumukha siyang baliw pag ganon.

"I am telling the truth. I have a girlfriend," saad ni Gavon.

Nanlaki ang mata ni Hullien dahil sa sinabi ni Gavon.

Nang makarating sila sa classroom ay gulat pa rin ang ekspresyon ng mukha ni Gavon kaya hindi ko mapigilan na hindi matawa.

"No way. You are just messing up with your grandpa right?" Seryosong saad ni Hullien. Nagkibit balikat lang si Gavon.

"Seriously, kapag nagkagirlfriend ka talaga tapos hindi mo pinapakilala sa akin hanggang ngayon ay magtatampo talaga ako ng sobra." Sumimangot si Hullien na para bang nakagawa ng pagkakamali si Gavon sa kaniya.

"I am telling you now. I have a girlfriend," seryosong saad ni Gavon. Sumandal siya sa upuan bago pinagkrus ang kaniyang braso sa tapat ng dibdib niya.

Si Hullien naman ay nakaupo ng tuwid sa kaniyang upuan habang nakaharap kay Gavon.

"Kailan pa?"

"Two months ago."

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon