Kabanata 24.
Nang makalabas kami ng kwarto ni Gavon ay may nakasalubong kaming matandang babae. She's wearing an elegant and classy dress. Puno na rin ng puting buhok ang kaniyang ulo. She looks intimidating.
"Grandma," usal ni Gavon.
Hindi na ako nagulat nang marinig ko ang tinawag ni Gavon sa matandang babae.
"Apo, come with me and let's have a chat for a minute. Bakit ngayon ka lang bumisita?" Malambing na saad ng grandma ni Gavon.
May maliit na ngiting sumilay sa labi ni Gavon kaya muli kong pinagmasdan ang matanda. Mukhang mabait siya kay Gavon. Ngayon na pinagmasdan ko muli siya, para bang nawala ang nakakaintimida niyang presensya.
Nagtungo si Gavon at ang kaniyang grandma sa may garden sa likod ng mansion na ito. Hindi ko naman mapigilan na hindi magmasid dahil ngayon lang ako nakapasok sa isang hacienda.
Sa likod ng mansion na pinaggalingan namin ay may puno ng apple. Para bang tinanim lang ang mga puno ng apples para gawing decoration sa may garden.
"Wow, so ganito ang itsura ng garden ng mga mayayaman," saad ko sa aking sarili.
Sinulyapan lang ako ni Gavon.
Naupo si Gavon at ang kaniyang grandma sa may pavilion. Naupo lang ako sa tabi ni Gavon.
"Gavon, are you really fine living alone out there with your mother? Why don't you move back in with your mother here?" Malambing na saad ni grandma.
"Grandma, you don't have to worry about me. I'm fine, my mother is very stable these past few days," sagot ni Gavon sa kaniyang lola.
Nang marinig ko ang sinabi ni Gavon tungkol sa kaniyang nanay ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit. Pinag-kibit balikat ko na lamang iyon.
Bumuntong hininga si grandma dahil sa pagtanggi ni Gavon.
"Don't stop me for worrying about you. It's the only thing I can do. And also, your mother, I know she's been through a lot. But, it's her own decision to leave your father, so don't loathe your father," saad ni grandma kaya napataas ang aking kilay. Tiningnan ko si Gavon at nakita kong nakatingin rin siya sa akin.
"You should convince your mother to start going to psychiatrist or a counselor. Her condition may look stable but you already notice Gavon, her condition are very serious. She really needs help," saad pa ni grandma.
Wala sa sariling napatango ako dahil napansin ko din yon. May nurse na nag-aalaga sa tabi ni Auntie Hillbeth kapag wala si Gavon. Pero hindi siya isang psychiatrist kaya hindi niya magagawang gamutin ang nanay ni Gavon.
"I know, grandma. Also, I've been looking for the best psychiatrist in the Capital City."
"It's good that you know. I can help you look for one."
"Thank you, Grandma."
"What's there to thank me? It's normal for a grandmother to help their grandson," nakangiting sagot ni Grandma kay Gavon.
Napangiti naman ako. Sa unang tiningin ay mukhang mataray si grandma at hindi mo malalapitan. Hindi ko inexpect na isa pala siyang gentle and kind old lady.
--
"Your grandma is so kind. Bakit hindi mo siya binibisita madalas?" Tanong ko kay Gavon habang kami ay nakasakay sa taxi. Nakasuot ng earphones si Gavon kaya hindi ako worried na baka magtaka ang driver kung bakit siya nagsasalita mag-isa.
Gusto rin siyang ipahatid ng kaniyang grandma sa kanilang family driver ngunit tinggihan ni Gavon ang kaniyang lola. Magtataxi nalang daw siya.
"Dahil hindi lang sila ni grandpa ang nakatira sa bahay na 'yon," tugon ni Gavon sa aking tanong. Napatango naman ako.
BINABASA MO ANG
The Man She Met In Her Dreams
RomanceHer dream is someone's reality. His reality is someone's dream. TAGLISH STORY APRIL 2022