KABANATA 12

7.9K 518 94
                                    

Kabanata 12.

It's been 5 days since I entered my dream. Limang araw na akong nasa loob ng aking panaginip. There's no time skip. As in, para lang akong nasa real world. Ang hindi ko lang magawa ay makatulog or kumain.

I feel like I am just a spirit. A ghost. Ngayon hindi na ako magtataka kung bakit ang buong paniniwala talaga ni Gavon ay multo ako. Maging ang sarili ko ay napagkakamalan ko na rin minsan na multo nga ako dito sa loob ng panaginip ko.

Malapit na akong makumbinsi ni Gavon na multo nga ako. Siguro oras na para magpagawa ako ng aking puntod dito sa loob ng panaginip ko.

Nakahiga ako sa may bench dito sa gym. Nakatagilid ako habang nakasuporta ang aking kamay sa aking pisnge.

Pinapanood ko ngayon si Gavon sa kaniyang practice game dahil sa isang araw na ang kaniyang laro kalaban ang ibang school.

He's not just good at basketball. He's an expert. He's a sharp shooter. Napakatalented niya talaga. Kanina ko pa siya chinicheer. Hindi ako nahihiya kasi bukod kay Gavon ay wala ng iba ang nakakakita o nakakapansin sa akin.

Ngayon ay nagpapahinga lang ako at tahimik lang na nanonood. Napapairap ako kapag hindi pinapasahan ni Tyron ng bola si Gavon kahit nakita na niya na wala namang nakaguard kay Gavon.

Nang bigyan sila ng coach ng break ay agad kong nilapitan si Gavon. Pawisan siya. Nakasuot siya ng red na headband kaya naman walang nakaharang na buhok sa kaniyang noo. Mas kapansin-pansin tuloy ang kaniyang kagwapuhan.

Bago kami nagpunta dito sa gym ay nagtungo muna kami sa pinakamalapit na mall. Wala akong idea kung anong bibilhin niya kaya sumunod nalang ako sa kaniya. Pumasok naman kami sa loob ng accesories store. Dumeretso si Gavon sa section kung saan may mga tindang iba't ibang panlagay sa buhok.

Then, pinapili niya ako ng headband. Noong una ay hindi ko sure kung bakit niya ako pinapipili kaya tinuro ko nalang ang pinakamalapit na headband sa akin. Buti nalang garter headband ang napili ko, yun nga lang kulay pula. Bagay naman sa kaniya kaya walang problema. Bagay din iyon sa kanilang white and red na jersey uniform.

"Tired? Drink your water," paalala ko kay Gavon ng makalapit ako sa kaniya.

Naupo siya malayo sa kaniyang mga teammates. May nakasabit sa kaniyang leeg na towel.

"Wipe your sweat on your forehead." Pahayag ko sa kaniya nang mapansin kong hindi naman siya nagpupunas ng pawis.

Sumandal si Gavon sa sandalan ng upuan bago tumingin sa akin.

"Wipe it for me. I'm tired," utos niya sa akin kaya napataas ang isa kong kilay.

"I wish I could," sarkastiko kong saad kay Gavon. Nginisian naman niya ako bago niya pinunasan ang sarili niyang pawis.

"Are you not going to evolve or something?" Tanong sa akin ni Gavon. Nangunot ang noo ko dahil sa kaniyang tanong.

"Evolve? What are you talking about?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Hindi nawala ang ngisi sa kaniyang labi.

"I'm talking about if there will be a day when we can touch each other," paliwanag sa akin ni Gavon.

Napakurap ako dahil sa kaniyang sinabi. 

"I think it will never come," tugon ko naman kay Gavon kaya nawala saglit ang ngisi niya. Tinitigan lang niya ako bago muling bumalik ang kaniyang ngisi sa labi.

"Well, that's too bad but I'm also fine with this," saad niya sa akin. Pinanliitan ko naman siya ng mata.

"Fine with what?" Tanong ko sa kaniya.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon