KABANATA 46

9.8K 543 51
                                    

Kabanata 46. 

ALLORA'S POINT OF VIEW

Nang magising ako ay agad kong naramdaman ang malambot na bagay sa aking kamay. Nang tumingin ako sa aking gilid ay nakita kong mahimbing na natutulog si Gavon. Hindi ko alam kung kailan ko naipatong ang aking kamay sa kaniyang buhok.

Napangiti ako ng makita ko ang mukha ni Gavon habang siya ay mahimbing na natutulog. Mukhang pagod na pagod rin siya at magkasalubong pa ang kilay niya.

Hindi ako nagsalita dahil mukhang kailangan niya talaga ng tulog. Hindi ko rin alam kung gaano niya ako katagal na binabantayan at kung gaano na ako katagal na walang malay.

Ngayon na nalaman kong si Gavon pala ang nagpangalan sa akin ay hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi. Balak ko sanang itanong kay Gavon ngayon kung naalala niya na may pinangalanan siyang unborn baby noon pero nagbago ang isip ko nang maalala ko ang kaniyang sinapit matapos ang pangyayari na iyon.

Actually, ilang taon akong nagstay sa tabi ni Gavon sa loob ng aking panaginip or sa past na napuntahan ko. Duon ko lang din nalaman kung gaanong paghihirap ang dinanas ni Gavon noong bata pa lamang siya.

I thought Auntie Hillbeth was a good mother before. Pero nasaksihan mismo ng mata ko kung paano niya tinrato si Gavon. She abused Gavon physically and mentally. Nalaman kong lagi palang binubugbog ni Auntie Hillbeth si Gavon noon ng patago. Lalo na kapag nag-aaway sila ng asawa nito na si Demario Reventon.

Si Gavon din ang pinaglalabasan niya ng kaniyang galit kaya madalas ay may nasasabi siyang masasakit na salita. Hindi ko malalaman ang bagay na iyon kung hindi dahil sa aking panaginip.

Bukod pa don, ang hindi ko inaasahan ay ang stepmother ni Gavon. Hindi ko akalain na may pake talaga siya kay Gavon at nalaman ko rin na close pala si Gavon at ang half-brother nitong si Gilbert Reventon noong bata pa sila. Yun nga lang, pinanganak si Gilbert Reventon ng may autism. Nagpakamatay ito noong ten years old pa lamang sila ni Gavon.

Simula noon, mas naging ilag si Gavon sa kaniyang ama at sa nanay ni Gilbert Reventon na si Eliza Vergara-Reventon. Dahil sa loob-loob ni Gavon ay sinisisi niya ang dalawang taong hindi maayos na naalagaan si Gilbert. Iyon din ang dahilan kung bakit mas tumindi ang galit niya sa kaniyang ama.

Hindi ko lang alam ngayon kung ganon pa rin ba ang nararamdaman ni Gavon sa kaniyang ama at sa kaniyang stepmother. Siguro ay kinalimutan na iyon ni Gavon o baka wala na siyang pake talaga sa mga ito.

Dahil alam kong kung iniisip pa rin ni Gavon ang mga ito ay alam kong magkukwento siya sa akin. Alam ko din na mukhang wala na talagang pag-asang magka-ayos pa si Gavon at ang kaniyang ama. Pero gusto kong sabihin kay Gavon na hindi niya habang buhay maiiwasan ang kaniyang ama.

Isa pa, anak talaga ang turing sa kaniya ng kaniyang stepmother. Hindi lang iyon alam ni Gavon o siguro alam niya dati pero dahil sa galit niya sa kaniyang ama ay kinalimutan na niya rin ang tungkol sa bagay na iyon.

His life before was messy.

I'm glad na nakilala ko siya at nakilala niya ako dahil mukhang kung hindi ko siya nakilala noon ay baka sumunod talaga siya sa pagkamatay ng nanay niya noon.

Habang nasa loob rin ako ng aking panaginip ay sinubukan kong puntahan ang batang ako, pero hindi ko magawa na para bang may humihigit sa akin pabalik kay Gavon kapag nagtatangka akong lumayo sa kung nasaan siya.

Siguro napupunta lang talaga ako sa nakaraan para kay Gavon. Nananaginip lang talaga ako para sa kaniya.

Maybe I am his guardian angel. Willing rin ako na maging guardian angel niya habang buhay. Mamahalin ko siya ng buong puso at kahit kailan ay hindi ko siya hahayaang masaktan.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon