KABANATA 15

7.7K 447 48
                                    

Kabanata 15.

Naglakad kami ni Shantal palabas ng university. Pero bago kami makalabas ay nakita namin ni Shantal ang isang babae naglalakad patungo sa amin.

She's wearing a branded clothes from head to toe. Maging ang dala niyang bag ay branded din. Kung hindi lang ako sinasama ni Ate Joy sa kaniyang pagwiwindow shopping minsan ay baka hindi ko makilala ang mga brands ng iba't ibang damit at kung authentic ba ang mga ito o hindi.

"That's Pinella, right? Wow, red ata ang color of the day ng outfit niya." Natatawang tiningnan ni Shantal si Pinella na naglalakad papalapit sa amin.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Gusto ko sanang lampasan nalang si Pinella ngunit hinarangan niya talaga ang daan ko.

"Long time no see, Allora." Nakangisi niyang bati sa akin pero rinig na rinig ko ang sarcasm sa boses niya.

"Yes, it's been a while." Ngumiti ako matapos kong magsalita.

"I have a good news, Allora. I met a handsome and outstanding boyfriend last summer, we are still together and he loves me so much," masaya niyang usal sa akin.

So?

Pilit naman akong natawa. Samantalang ang katabi kong si Shantal ay sarkastikong malakas na tumawa.

"Wow, I'm so proud of you. So happy for you!" Sarkastikong saad ni Shantal kaya hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaniya o maawa para kay Pinella.

Alam kong matagal na rin talagang may hinanakit sa akin si Pinella. Dahil siguro nung first year kami ay napili akong department beauty at dahil naawa sa kaniya ang mga seniors namin noon ay ginawa siyang department brain pero mukhang naoffend siya ng sobra nung mga panahon na yon.

Samantalang ako ay walang kaalam-alam na may naganap palang botohan tungkol sa bagay na iyon. Basta nalaman ko nalang mula kay Shantal na ako pala ang aming department beauty.

Iyon ang dahilan kung bakit may hinanakit sa akin si Pinella. Bukod don, lagi din akong top-scorer nung first year kami, kaya may usap-usapan na dapat ako rin ang department brain. Wala talaga akong pake sa bagay na iyon.

Pero simula nung nagsecond year ako ay hindi na ako naging top-scorer at nawala din ako sa dean lister. Hindi ko alam pero kahit anong gawin ko nuon ay hindi ko naalala ang mga inaral ko kahit magpuyat pa ako. Para bang bumaba bigla ang IQ ko, pero buti nalang at pasok pa sa average ang mga grades ko. Naging makakalimutin din ako simula non, kaya lagi kong sinasabi kay Shantal na ipaalala niya sa akin ang schedule ko.

Yung mga simpleng mga bagay na yon ay madalas kong makalimutan. Kaya naman sobrang weird talaga ng nangyayari sa akin nito lately dahil hindi ko nakakalimutan lahat ng panaginip ko. Bukod don, sobrang malinaw iyon sa aking alaala na para bang nakaukit iyon sa memorya ng kaluluwa ko at hindi ng aking utak. I know that sounds strange and completely nonsense. But that's what I'm feeling right now.

"Yeah, I'm really so happy. He told me that he will marry me after my graduation. We will hold a wedding ceremony at the beach. It's already decided," masayang saad ni Pinella na may kasamang pagyayabang.

Siguro kung hindi siya sarkastikong makipag-usap ay baka regaluhan ko pa siya sa kanilang kasal pero halata naman na nagyayabang lang siya sa harap namin ni Shantal.

"Wow, yey!" Walang ganang saad ni Shantal kaya napayuko ako para pigilan ang aking pagtawa. Her reaction is so hilarious.

"Do you have a boyfriend right now, Allora?" Tanong sa akin ni Pinella. Hindi niya pinansin si Shantal sa aking tabi.

Napatingin ako ng diretso sa kaniya nang tanungin niya ako.

"I don't have a boyfriend," nakangiti kong sagot.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon