KABANATA 27

7.8K 512 19
                                    

Kabanata 27. 

Kinabukasan, tanghali na nagising si Gavon. Mamayang hapon pa naman gaganapin ang kanilang christmas party. Mukha rin napahimbing ng tulog si Gavon. 

Dahil hindi ako nakakatulog ay nagtungo nalang ako sa may living room noong sumapit ang umaga. Nakita ko lang si Gavon na lumabas noong malapit nang magtanghali.

Kasama ko lang si Auntie Hillbeth ngayon sa may living room.

"Good morning, son. Did you sleep well?" Nakangiting bungad ni Auntie Hillbeth kay Gavon.

Ngumisi ako.

"You sleep like a pig," pagbibiro ko kay Gavon.

"Just fine," tugon lang ni Gavon bago siya nagtungo sa may kitchen area.

Tumayo ako at sinundan si Gavon.

"Gavon, huwag mong kalimutan na may christamas party kayo ngayon," pagpapaalala ko kay Gavon.

Tumingin sa akin si Gavon. Kumuha siya ng baso ng tubig bago siya sumandal sa may kitchen counter. Tiningnan niya ako ng seryoso.

"Kailangan ko ba talagang sumali sa christmas party na yan?" Tanong sa akin ni Gavon.

Ngumiti ako kay Gavon bago ko siya sinagot.

"Hindi mo naman kailangan pero kung wala ka naman kailangan gawin, bakit hindi, 'di ba?" Seryoso kong saad habang nakangiti.

"Sa totoo lang, never pa akong nakaranas ng christmas party. Siguro nung bata pa ako pero hindi ko na rin 'yon tanda. Nabanggit ko na ba sayo na lumaki ako sa orphanage?" Tanong ko kay Gavon.

Napatitig sa akin si Gavon bago siya umiling.

"You never mention it to me before," pahayag ni Gavon. Napatango naman ako.

"Kakatapos lang ng 12th birthday ko nung namatay ang aking magulang. Dahil wala kaming relatives na kakilala, pinadala kami ni Alroy sa isang orphanage sa suburb sa Westside City. Tumira kami ni Alroy sa orphanage ng mahigit pitong taon hanggang sa mag 18 ako." Pagkukwento ko kay Gavon sa aking buhay.

"I wish I could travel to the past so I can meet you," pahayag bigla ni Gavon kaya napangiti ako.

"Kaya ko 'yon sinabi kasi gusto ko lang sabihin na gusto ko rin maranasan ang isang christmas party. Kahit hindi ako kasali ay masaya na ako basta makita kita na kasali sa inyong christmas party. Gusto ko lang maawa ka sa akin dahil never ko pang naranasan ang christmas party," natatawang pahayag ko kay Gavon.

I genuinely want to experience a normal kind of christmas party. Noong naghighschool kasi ako, never akong nakasali sa mga christmas party sa school dahil nga lagi niyon kasabay ang christmas party sa orphanage. Bawal kaming lumabas sa araw ng christmas party sa orphanage.

Isa pa, ang christmas party na tinutukoy ko ay hindi talaga matatawag na party dahil sobrang tahimik. Magbibigay lang ng speech ang head mistress ng orphanage at magbibigayan lang ng regalo tapos pwede ng kumain. Pwede naman maglaro ang mga bata yun nga lang hindi ako interesado sa ganong bagay kaya para sa akin ay napakaboring ng christmas party sa oprhanage.

"I will never pity you but I will always do what you want me to do," nakangising tugon ni Gavon sa aking sinabi sa kaniya. Napailing nalang ako.

Mabilis na lumipas ang oras. Nanood lang kami ng TV ni Gavon buong umaga at tanghali. Nang sumapit ang hapon ay sinabihan ko na si Gavon na magbihis na para aalis nalang kami mamaya.

Hindi pa man lumalabas ng kwarto si Gavon ay may kumatok bigla sa kanilang pinto ng bahay. Tumayo ako para tingnan kung sino ang bisita nila Gavon ngayon hapon.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon