KABANATA 38

9.3K 572 71
                                    

Kabanata 38.

ALLORA'S POINT OF VIEW

Nang sinagot ko ang tawag ay bumungad sa aking pandinig ang boses ng isang lalaki na mukhang natataranta.

"Hello? Ate Allora? Ako po si Kevin. Kaibigan ni Alroy. Napaaway po kami ni Alroy ngayon. Nasa may South Avenue Clinic po kami dahil ayaw magpadala ni Alroy sa hospital——"

"What?"

Nang marinig ko ang sinabi ng kaibigan ni Alroy na si Kevin sa kabilang linya ay natataranta akong napatayo. Mabilis kong tinanggal ang dextrose na nakatusok sa aking kamay bago ako naglakad palabas. Hindi ko na rin inalala na nakasuot pa rin ako ngayon ng hospital gown.

Nang makalabas ako sa hospital ay pumara agad ako ng taxi.

"Malala ba ang lagay ni Alroy?" Kinakabahan kong tanong. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako kapag sinabi ng tao sa kabilang linya na malala ang lagay ng aking kapatid.

"Ate Allora, relax po kayo. May bali lang po si Alroy sa binti at sa balikat," saad ng kaibigan ni Alroy.

Nang marinig ko ang sagot niya ay nakahinga ako ng maluwag.

"That's good. Papunta na ako dyan. Huwag kayong aalis," saad ko pa dito.

Nang makarating ako sa may clinic na sinasabi ng kaibigan ni Alroy na si Kevin ay nagmadali akong pumasok sa loob.

Maliit lang ang clinic. Nagtanong lang ako saglit sa may nurse na nasa reception bago ko nalaman kung nasaan si Alroy.

Nang makarating ako kung nasaan si Alroy ay agad kong siyang nilapitan. Naupo ako sa gilid ng kama. Nakaupo si Alroy. May cast ang isa niyang paa at ganon din ang kaniyang kaliwang braso.

"Anong problema mo? Bakit ka nakipag-away?" Singhal ko kay Alroy dahil hindi ko talaga gusto na nakikipag-away siya. Hindi naman siya ganito.

Halos mamula ako sa galit lalo na nang makita ko na may malaking pasa si Alroy sa kaniyang mata at may sugat din ang gilid ng labi niya. Maging ang kaniyang ilong ay may cut.

Nang matapos akong magtanong ay hindi nagsalita si Alroy. Nag-iwas lang siya ng tingin sa akin na para bang alam niya na sobrang galit ako ngayon.

"A-Ate Allora?"

Napaangat lamang ako ng tingin ng may tumawag sa akin. Binalingan ko ng tingin ang lalaking nakaupo sa kabilang side ni Alroy.

"Ikaw si Kevin?" Saad ko sa lalaking mukhang kasing edad lang ni Alroy.

"Opo, ako nga po, Ate Allora." Masayang saad ni Kevin sa akin. Tumango lang ako bago ko muling binalingan ng tingin ang aking kapatid.

Nang mapansin ko na wala talagang balak na magsalita si Alroy ay kay Kevin nalang ako nagtanong.

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko sa kay Kevin dahil nakita kong maging siya ay may pasa rin.

Wala silang pasok ngayon kaya nakasuot ang dalawa ng simpleng pants at shirt.

"Ang totoo po nan, Ate Allora. Naghahanap kami ni Alroy ng pagkakakitaan, part time job ganon. Kaya naglibot-libot kami kaso nung dumaan kami sa may eskinita ay saktong may nadaanan kaming rambulan. Aalis na sana kami ni Alroy kaso nahigit siya ng isa sa mga lalaking nandon at ako lang ang nakatakbo. Tumawag agad ako ng police dahil alam kong di ko sila maawat," pagkukwento ni Kevin.

Nang marinig ko ang sinabi ni Kevin ay agad kong binalingan ng tingin si Alroy. Masama ko siyang tiningnan.

"Naghahanap ka ng pagkakakitaan? Dahil ba ilang araw na akong nasa hospital kaya mo naisip yon? Sabi ko sayo, fifteen ka palang, hinding-hindi kita papayagan na magtrabaho!" Namumula kong saad dahil sa galit.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon