KABANATA 32

7.6K 556 119
                                    

Kabanata 32.  

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW 

DECEMBER. 10 YEARS AGO.

"Gavon, naiintindihan kong patay na ngayon ang nanay mo ngunit hindi mo rin kailangan magpakamatay!" Singhal ng matandang lalaki kay Gavon. Maputi na ang buhok nito sa ulo at may hawak siyang tungkod.

Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa binatang nakahiga ngayon sa hospital bed. May brace ang leeg nito, may bandage ang ulo at may cast rin ang kaliwang paa. Bakas din ang malaking pasa sa kaniyang braso.

"At ikaw! Sinong may sabi sayo na pahiramin mo ng sports car si Gavon?" Baling ng matanda sa binatang nakatayo sa gilid ng hospital bed habang nakayuko.

"Grandpa Don, huwag niyo po akong sisisihin. Kung binibigyan niyo lang po si Gavon ng pera ay hindi niya maiisipan na sumali sa drag racing," nakayukong saad ni Hullien habang nakasimangot.

Malakas naman pinalo ni Donato Reventon ng kaniyang tungkod na hawak si Hullien. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig mula sa binatang nasa harapan niya.

"Anong hindi binibigyan ng pera? Napakaraming properties ang nakapangalan kay Gavon at napakalaki ng pera niyan sa bangko, hindi pa ba yon sapat? Siya ang may ayaw itong galawin!" Singhal ng matanda kay Hullien.

Mas lalong napayuko si Hullien dahil sa matandang nasa harapan nila ni Gavon. Hindi niya kasalanan talaga na mahulog ang kaniyang favorite na sports car sa bangin. Sa totoo lang ay sobrabg heart broken siya ngayon dahil sa kaniyang nasira na sports car. Maging siya ay hindi maintindihan kung bakit gustong magpakamatay ni Gavon.

Alam ni Hullien na matagal nang ineexpect ni Gavon na magsuicide ang kaniyang nanay. Syempre, pinipigilan iyon ni Gavon sa abot ng kaniyang makakaya. Yun nga lang, nawalan na rin si Gavon ng pag-asa na gumaling ang kaniyang ina. Dahil ang kaniyang nanay mismo ang ayaw magpagamot upang umayos ang lagay niya.

Kaya sigurado si Hullien na kahit namatay ang nanay ni Gavon ay hindi ito malulungkot. Siguro konti pero hindi sa puntong magpapakamatay si Gavon.

Para bang gusto lang i-timing ni Gavon ang pagpapakamatay niya para maisip ng iba na may dahilan kung bakit siya nagpakamatay at iyon ay ang pagkawala ng kaniyang nanay. Iyon lang ang naiisip na rason ni Hullien.

"That's not my money. It's yours," malamig na saad ni Gavon sa kaniyang grandpa.

"It's your money. I gave it to you so it's all yours!" Mariin na saad ng matanda sa kaniyang apo.

"Let's not talk about money. Where is your girlfriend? Why isn't she here yet? Wala ba siyang balak na bisitahin ka?" Pag-iiba ng usapan ng matanda.

Pinanliitan niya pa ng mata si Gavon dahil hanggang ngayon ay hindi siya kumbinsido na may girlfriend talaga ang kaniyang apo.

Mas maniniwala pa siya kung ang sasabihin ng kaniyang apo na ang tipo talaga niya ay mga lalaki at hindi babae. Dahil kahit kailan ay hindi pa niya nakita ang kaniyang apo na may kasama o kausap na babae. Maging ang magandang anak ng Finley Family ay mukhang walang talab sa kaniyang apo.

Sa totoo lang ay wala talaga siyang balak na ipakasal ang kaniyang apo na si Gavon sa taong hindi niya mahal ngunit mukhang kapag hinayaan niya lang si Gavon ay baka tumanda itong binata. Gusto pa naman niyang makita ang magiging anak ni Gavon bago siya mamatay.

Nang marinig ni Hullien ang tanong ng grandpa ni Gavon ay agad nanlaki ang mata niya. Alam niya kasi na ang tinutukoy na girlfriend ng grandpa ni Gavon ay ang dead girl na hanggang ngayon ay wala siyang idea kung saan bang sementeryo nakahimlay ang puntod nito.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon