KABANATA 43

9.5K 552 8
                                    

Kabanata 43. 

"I'll be working from Westside City from now on. I'll only fly to Capital City if there's emergency in the company " saad ni Gavon sa harap ng camera. Kaharap niya ngayon ang bawat board members ng AGR Corporations.

"If there's nothing else. Meeting dismissed." Pinatay na ni Gavon ang video call.

Nasa hotel siya ngayon dahil hindi pa tapos irenovate ang villa niya. Mukhang aabutin pa ng kahalating buwan o mahigit ang renovation kaya sa ngayon ay sa hotel nalang muna siya tutuloy.

Sumandal si Gavon sa upuan bago niya tiningnan ang wrist watch niya. Nang mapansin ni Gavon na malapit ng mag 11:30 ay napagpasyahan niya ng umalis para sunduin si Allora sa kanila.

Pero bago siya makalabas ng hotel room ay napatigil siya dahil biglang nagring ang cellphone niya. Nang makita ni Gavon kung sino ang tumawag ay napailing nalang siya.

"Grandpa," saad ni Gavon.

"Oh, so you still know how to call me!" Inis na saad ng matanda sa kabilang linya pero nahalata ni Gavon ang saya sa tono ng boses nito.

"You're the one who called me," saad ni Gavon at nagkibit-balikat ito bago nagpatuloy sa paglalakad palabas.

"Where are you brat? I've heard you're not here in Capital City." Mariin na tanong ng kaniyang grandpa.

Napangisi si Gavon dahil sigurado siya na nasabi na ni Hullien sa kaniyang grandpa at grandma kung bakit wala siya sa Capital City. Dahil kahit tunog galit ang boses ng matanda ay bakas pa rin ang nakatagong tuwa sa boses nito.

"I'm in Westside City right now and I'll stay here for a couple of months or maybe years," seryosong saad ni Gavon.

Nang makarating si Gavon sa may basement parking ay naglakad siya patungo kung saan nakapark ang kaniyang kotse. Nang makasakay si Gavon ay kinonekta niya ang kaniyang cellphone sa kotse.

On-going pa rin ang tawag at maririnig pa rin sa kabilang linya ang boses ng kaniyang grandpa.

"Brat! What are you doing there? Have you forgotten that you have a company to take care of?" Singhal ng matanda kay Gavon na para bang totoo talaga na galit na galit ito dahil iniwan ni Gavon ang kaniyang kompanya.

"Who are you acting for? I know Hullien already told you the reason why I'm here. Do you want to have a great grandchild or not?" Nakangising saad ni Gavon.

"Oh my god! It's real! It's real. Gavon is there because of a girl!" Excited na saad ng matandang babae sa kabilang linya.

Napangiti si Gavon ng marinig niya ang boses ng kaniyang grandma.

"Grandma, I didn't know you're with grandpa. Why aren't you saying anything earlier?" Tanong ni Gavon sa kaniyang grandma na mukhang hindi na napigilan ang sarili sa pagsasalita dahil sa matinding tuwa.

"I was just about to greet you but your grandfather keeps on talking and talking." Pagrereklamo ng matandang babae kaya napailing nalang si Gavon.

"Brat, are you sure this time is real? The last time you told me you had a girlfriend was ten years ago and you never introduces her to us. You even named your company after that girl," seryosong saad ng grandpa ni Gavon.

"Grandpa, you don't have to worry. This time you will surely meet her. We just need to wait for a bit because I think she still needs some time for herself and for her family but I promise, I will bring her back to Capital City, only if she wants to."

"Good. Gavon, make sure you treat her well lest she thinks of running away," nakangising saad ng kaniyang grandma.

"Grandma, I know. I also don't want to scare her away," natatawang saad ni Gavon.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon