KABANATA 16

7.5K 498 43
                                    

Kabanata 16.

Nang makauwi si Alroy ay hindi na niya inabutan si Shantal. Nang makita ko siyang pumasok ng bahay ay napansin kong mukhang galit pa rin ito sa akin.

"Kumusta ang school?" Tiningnan ko si Alroy. Naglakad siya diretso papasok sa kaniyang kwarto.

Hindi niya ako sinagot at pinagsaraduhan niya lang ako ng pinto.

"Kailan mo ko balak kausapin?" Tanong ko kay Alroy nang makita kong lumabas siya ng kwarto. Kumuha siya ng tubig sa aming lumang maliit na ref. Matapos niyang uminom ay dumiretso ulit siya sa kaniyang kwarto at muli akong pinagsaraduhan ng pinto.

Napanganga ako. He's still mad, isn't he?

Hinayaan ko nalang siya muna. Nagluto ako ng dinner bago ko tinawag si Alroy. Nang lumabas siya ng kwarto ay hindi na rin ako nagsalita.

Tahimik lang ang pagkain naming dalawa. Nakayuko lang si Alroy at paminsan-minsan ay tinitingnan ko siya.

"Stop right there!"

Nang matapos namin kumain ay tsaka lang ako nagsalita. Nakita kong tatayo na si Alroy kaya agad akong nagsalita.

"Do you want to hear my explanation or not? Alright, if you leave the table now, I'll speak to you again. If you really hate me now, just go and pack your things. I will send you back to the orphanage, anyway, you already know my conditions. Maybe sooner or later I will—"

"Shut up!"

Napatigil ako sa pagsasalita nang sigawan ako ni Alroy. Napansin kong namumula ang kaniyang mga mata na para bang kahit anong oras ay tutulo na ang luha niya.

"I'm sorry," mabilis niyang saad nang hindi ako magsalita.

"Alroy, It's my fault. Hindi ko agad sinabi sayo ang tungkol sa bagay na ito. You know, it is not as serious as it looks like. The doctor said it can be remove. Kailangan ko lang ng pera. Kailangan ko lang din humanap ng doctor na magaling para sure na walang mangyayaring masama. Naiintindihan mo ba?" Paliwanag ko kay Alroy.

Tumango siya sa akin.

"It's good that you understood. I am not dying or anything so don't be mad anymore," malambing kong usal kay Alroy.

Muli siyang tumango.

"Now, can you give me a hug?" Nakangiti kong saad.

Tumayo ako at lumapit sa tabi ni Alroy. Ilang minuto siyang hindi gumalaw pero sa huli ay tumayo siya at niyakap ako.

"You're a good boy. I will never leave you," mahinahon kong saad. Narinig ko ang mahinang pag-iyak ni Alroy sa aking balikat kaya naman sumikip ang dibdib ko.

"I still want to see you graduate in high school and college. I still want to see you working and  I want to see you finding a girlfriend for yourself. So, why would I neglect my health, right?" Natatawa kong saad.

"I want to help. I want to start working," biglang saad ni Alroy. Humiwalay siya sa akin at seryoso akong tiningnan.

Agad akong umiling.

"No, what could a 15 year-old boy possibly do? Just study hard and let me handle everything, okay?" Mariin kong saad dahil wala talaga akong balak na papasukin siya bilang isang child laborer.

"But I know the operation will be expensive. We need a lot of money, maybe a million or more than that?" Seryosong pahayag sa akin ni Alroy.

Muli akong umiling.

"I will never let you work, not until you are already old enough."

Natahimik si Alroy sa aking sinabi. Tinapik ko siya sa balikat.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon