KABANATA 8

7.8K 582 111
                                    

Kabanata 8.

Nang makalayo kami ni Gavon sa vicinity ng hospital ay tsaka ko lamang napansin ang suot ni Gavon. Mukhang hindi pa siya nakakapagpalit ng damit.

"Gaano ako katagal na nawala?" Tanong ko kay Gavon. Napansin ko naman na hindi siya tumigil sa may bus stop. Mukhang may iba pa siyang balak puntahan.

"9 hours," sagot niya sa akin. Napatango naman ako.

"You haven't went home?" Muli kong pagtatanong. Tiningnan naman ako saglit ni Gavon bago siya ulit nagsalita. Hindi ko naman tinanggal ang tingin ko sa kaniya.

"Yes, why?"

"Nothing. You should rest, you know." Mariin kong tiningnan si Gavon.

Alam kong hindi pa siya natutulog simula kagabi. Medyo halata na rin ang kaniyang eyebags. Mukha rin na wala siyang balak na matulog man lang kahit sandali.

"I know. Don't worry," saad niya sa akin.

Tumigil lang kami sa isang fast food chain. Madami-dami rin naman mga tao ngunit meron pa rin bakanteng upuan.

"Find a table. I'll order first," saad sa akin ni Gavon kaya naman tumango ako.

Nang makita kong may bakante sa may bandang sulok ay agad akong naupo don. Tumingin nalang ako sa labas habang naghihintay kay Gavon.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na si Gavon na may dalang dalawang tray na may lamang pagkain. Nang ilapag niya ang tray na dala niya ay napanganga ako.

"Wow, ganito ka kalakas kumain?" Tanong ko sa kaniya ng makita ko ang dalawang heavy meal na inorder niya. May tig dalawang burger at fries din. Maging ang drinks ay dalawa rin.

Hindi naman ako sinagot ni Gavon. Inayos lang niya ang mga pagkain sa lamesa at napansin kong nilagay niya sa aking harapan ang mga pagkain na akala ko ay para rin sa kaniya.

"Is this for me?" Gulat kong tanong kay Gavon.

Tiningnan naman niya ako bago niya ako nginisian.

"What? Do I have someone else with me aside from you?" Tanong niya sa akin bago siya lumingon sa aming paligid kaya naman napangiti ako.

Napatingin ako sa mga pagkain sa aking harapan bago ko muling tiningnan si Gavon. My hearts move.

So, he can be sweet, huh?

"But you know, I can't eat it," saad ko habang nakatitig ako sa pagkain sa aking harapan.

"Really? I asked the guy behind me if ghost can still eat food. He said if a person offered them a food, they can eat it." Paliwanag sa akin ni Gavon kaya naman wala sa sariling napatitig ako sa kaniya.

He's incredible. Asking people around about ghost.

But I already told him countless times, I am not a ghost.

"In other words, this is your offering to me?" Nakangiwing tanong ko kay Gavon.

"Yes, try if you can eat it," seryosong saad niya sa akin gamit ang kaniyang malalim na boses.

Hindi ko naman alam kung anong dapat ang maging reaction ko dahil mukhang seryoso talaga siya. Tumingin ako sa aming paligid at napansin ko naman na nakatingin na sa kaniya ang mga taong malapit sa table namin.

"I told you, I am not a ghost. But still, I was really touched. Anyway, stop talking to me. People are staring at you because you keep talking to air," nakangiti kong pahayag kay Gavon.

"Let them stare. I don't care," saad niya sa akin kaya naman nagsalubong ang kilay ko.

"They will think you are crazy."

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon