KABANATA 23

7K 537 71
                                    

Kabanata 23. 

Gabing-gabi na noong nakauwi kami ni Shantal. Tulog na rin si Alroy. Ilang beses siyang tumawag sa akin kanina para siguraduhin na maayos lang ang lagay ko at kung ligtas ba ako dahil tinext ko sa kaniya na nasa Greenvalley City kami ni Shantal. Syempre, hindi rin tanda ni Alroy na tumira kami sa city na iyon dahil napakabata niya pa noon.

Dahil sa pagod ay agad akong nakatulog. Hindi pa rin mawala sa isip ko na may posibilidad talaga na totoo si Gavon.

Siguro hindi sila iisang tao ng nasa panaginip ko at ng nasa real world pero kahit ganon, I still wish to see him. Kontento na ko kahit saglit lang. Masaya na ako kapag nakumpirma ko na meron Gavon sa real world. Kahit siguro ibang version ito ng Gavon sa panaginip ko.

Nangunot ang aking kilay ng mapansin kong may mga nyebe sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako dahil hindi ko pa ito napupuntahan habang nasa loob ako ng aking panaginip. Madalas ay napupunta ako sa bahay ni Gavon o hindi kaya ay sa school.

Nagtataka kong pinagmasdan ang napakalaking mansion sa harapan ko. Maging ang frontyard ay sobrang lawak.

Alam kong nandito si Gavon dahil hindi ako mapupunta sa lugar na ito kung wala siya dito.

Winter na sa loob ng aking panaginip, hindi ko akalain na sobrang bilis lilipas ng araw dito. Gusto ko na din makita si Gavon.

Naglakad na ako para hanapin si Gavon. Sigurado ako na nasa loob siya ng mansion. Nang makapasok ako sa loob ng malaking mansion ay napatigil din agad ako nang makarating ako sa isang malaking hall. Sa taas ay may malaking chandelier na nakasabit.

Pakiramdam ko ay pumasok ako sa castle ng fairy tales. Hindi kasi modern ang architecture ng bahay na ito.

May mangilan-ngilan akong mga katulong na nakikita. Hindi ko alam kung saan dapat magpunta kaya naisipan ko na lang na libutin ang buong lugar.

Ang una kong nilibot ay ang unang palapag. Bukod sa mga katulong ay wala akong kahit sinong nakita na mukhang related kay Gavon. Nagtungo naman ako sa grand staircase ng mansion na ito at umakyat sa second floor.

2 storey building lang ang mansion na ito pero kada room ay sobrang lawak. Kahit nga ang maid's quarter na napasukan ko kanina ay napansin kong sobrang lawak din. Maging ang mga kisame ay napakataas.

Nang makarating ako sa second floor ay  napansin kong may painting room, kung saan nakadisplay ang napakaraming paintings. May antique room din. Unang tingin palang ay mahahalata na walang nakatirang bata sa lugar na ito. May billiard room din akong nadaanan.

Nang makarating ako sa may malaking pinto sa bandang dulo ng left wing ng mansion ay tsaka ko lang nakita si Gavon.

Sa loob ng silid ay may nakaupong matandang lalaki sa harap ng kaniyang lamesa. I think this is a study room or office. Katulad ng ibang mga rooms ay sobrang lawak din ng silid na ito.

Sa gitna ay may complete set na sofa at may coffee table sa gitna. Sa gilid naman ay may ilang mga vase na nakadisplay. This room looks old but elegant.

Napabaling ako kay Gavon matapos kong pagmasdan ang paligid. Nakatayo siya sa harap ng desk ng matandang nakaupo.

Inilipat ko ang tingin sa matanda. He's a handsome old man. Kahit naging puti na ang lahat ng kulay ng buhok niya sa ulo at ang mga bigote at balbas niya ay halata pa rin kung gaano siya kagwapo noong kabataan niya.

Medyo may hawig din sila ni Gavon.

I don't think he's Gavon's father dahil alam kong hindi makakatagal sa silid na ito si Gavon kung ama niya ang kaniyang kaharap.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon