KABANATA 33

8.2K 512 74
                                    

Kabanata 33.   

ALLORA'S POINT OF VIEW

"Ilang oras na siyang nakatulala?"

"She's already like this when she woke up."

"Is my sister really fine?"

"Don't worry, Alroy. Maybe this is just a symptoms of her brain cancer."

"Then it mean's she's not really fine. Should we call the doctor?"

"No, she's really fine."

Napalingon ako sa dalawa nang marinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung gaano na ako katagal na katulala.

The thing is tatlong gabi na akong magkasunod na hindi nananaginip. Noong una ay naisip kong baka normal lang iyon. Baka masyado lang napagod ang utak ko. Nung pangalawang gabi, dun na ako kinabahan na baka hindi pa rin ako managanip. Nangyari nga ang bagay na iniisip ko. Hindi talaga ako nanaginip noong gabi na iyon. Pero pinagkibit balikat ko nalang ulit.

Two times can still be considered as a coincidence. Ngunit nang magising ako ngayong araw ay wala pa rin akong napanaginipan. Kung meron man, hindi ko iyon maalala.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nag-eexpect pa rin ako na makita ko si Gavon kahit man lang sa aking panaginip. Kahit hindi kami magkatuluyan sa real life ay ayos lang sa akin dahil boyfriend ko naman siya sa aking panaginip. Masaya na ako sa ganon.

But, what is happening right now? Ipagkakait na ba sa akin ng maykapal ang masayang panaginip? Sa panaginip na nga lang ako nagkaboyfriend pero mukhang mauudlot pa yata iyon.

Ito ba ang sign na pinoforce ako ng tadhana na makipagbreak kay Gavon kahit sa mapanaginip na nga lang kami mag boyfriend-girlfriend?

Kaya ako napapatulala ay dahil sa pag-iisip kung ano na ang mangyayari sa lovelife ko. Single na ba ulit ako dahil ngayon ay mukhang hindi ko na ulit mapapanigipan pa si Gavon.

Kanina ko pa rin naisip, siguro kaya hindi ko na napapanaginipan si Gavon ay dahil aware na akong nag-eexist talaga siya. Ganon ba 'yon? Hindi rin ako sigurado pero malaki ang posibilidad na ganon nga iyon.

"Ate Allora!"

Napatalon ako sa gulat ng tawagin ako ni Alroy.

"Why are you shouting?" Singhal ko sa aking kapatid.

"See, I told you, she's fine." Natatawang saad ni Shantal bago nailing.

"Alroy, may iniisip lang ako kaya ako'y napapatulala. Huwag ka mag-alala at ayos lang talaga ako," saad ko sa aking kapatid na minu-minuto nalang nag-aalala sa akin.

Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong ayaw niya lang na may mangyaring masama sa akin. Hindi ko rin gusto na bigla nalang akong mamatay at iwan mag-isa si Alroy. Hindi ako kampante kahit alam kong aalagaan siya ni Shantal pagnawala ako.

Magkakapatid ang turingan namin tatlo. Kaya alam kong kahit gaano man kapositive si Shantal ay alam kong sobrang malulungkot siya pagnawala ako.

"Allora, mamundok nalang tayo at magdasal sa may temple sa tuktok ng bundok. Mukhang mahihirapan tayo nito maghagilap ng 3 million. Idaan nalang natin sa himala yang brain tumor sa ulo mo. Baka sakaling maglaho bigla," saad ni Shantal sa akin.

Agad akong natawa nang marinig ko ang sinabi ni Shantal. Maging si Alroy na laging nakapoker face ay natawa din.

Idaan nalang sa himala? Baka sakaling lumiit ang brain tumor sa ulo ko?

"Shantal, kung madadaan naman pala sa himala ang ganitong sakit, bakit pa sa hospital mo ako sinugod? Dapat sinugod mo nalang ako sa sinasabi mong temple sa tuktok ng bundok," natatawa kong usal kay Shantal.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon