KABANATA 42

9.3K 544 10
                                    

Kabanata 42. 

ALLORA'S POINT OF VIEW 

"Duda talaga ako kung nagsasabi ka ng totoo, Allora. Huwag mong sabihin na sa boyfriend mo na 'yon galing ang perang sinasabi mo," saad sa akin ni Shantal habang kami ay naglalakad patungo sa may bus stop.

Pinanliitan niya pa ako ng mata. Nawala na rin ang kaniyang saya kanina na para bang ngayon niya lang narealize ang mga bagay-bagay.

"Honestly, sa kaniya nga talaga galing ang perang sinasabi ko kaya may pampaopera na ako. Sa totoo lang ay medyo naguguilty rin ako na tanggapin ang pera niya pero wala na akong choice," sagot ko kay Shantal.

"What the! Is that guy a son of a rich family? Pero sure ka ba na mahal ka nung lalaki na iyon. Paano kung katawan lang pala ang habol sayo? Paano kung kaya siya willing na bigyan ka ng malaking halaga ng pera ay dahil gusto niya na maging sex slave ka niya?" Gulat na tanong ni Shantal kaya napakunot ang noo ko.

Nginiwian ko si Shantal bago ko siya inilingan.

"Shantal, ito na siguro ang araw para tumigil kana sa pagbabasa ng mga smut novels at ng mga rated 18+ na mga libro." Naiiling kong tiningnan ang aking kaibigan.

"What? May mali ba sa sinabi ko?" Saad nito sa akin.

"Oo, hindi ganon na tao si Gavon," pahayag ko.

"So, Gavon ang panga..."

Napapikit ako ng biglang sumakit ang ulo ko. Naplingon ako kay Shantal. Patuloy siyang nagsasalita pero parang napakalayo ng boses niya.

Napatigil ako sa paglalakad at napahawak ako sa aking ulo dahil parang may mga karayom na nakatarak ngayon sa loob ng aking ulo.

Nakita kong nag-aalala akong nilapitan ni Shantal ng mapansin niyang napatigil ako sa paglalakad. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan dahil pakiramdam ko ay napakalayo talaga ng boses niya at hindi ko malinaw na naririnig iyon.

Ang tanging naririnig ko lang ay ang matinis na tunog na hindi ko alam kung saan nanggagaling at lalong pinapasakit ng tunog na iyon ang aking ulo.

Napakapit ako kay Shantal nang hindi ko na makayanan at tuluyan na akong nawalan ng balanse. Para bang biglang naglaho ang pakiramdam ko sa aking binti.

Pinilit kong labanan ang matinding sakit ng ulo ko ngunit sa huli ay hindi ko na nakayanan. Nanlabo na ng tuluyan ang aking paningin bago ako nawalan ng malay.

---

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW 

"Allora! Allora! Shit. Someone please call an ambulance!" Naiiyak na saad ni Shantal at hindi niya alam kung anong gagawin dahil sa matinding pagkataranta.

Nanginginig ang kamay niyang niyapos si Allora habang nanatili silang nakaupo sa daan. Sinubukan niya rin na buhatin si Allora pero hindi niya magawa dahil sa panlalambot ng kaniyang binti.

Nasa may sidewalk sila at maraming tao na rin ang tumigil para itanong sa kaniya kung anong nangyari sa kaniyang kasama.

Ang tanging nagawa lang ni Shantal ay makiusap sa mga taong nasa paligid niya na tumawag ng ambulansya dahil hindi niya magawang bitawan si Allora.

Ang totoo nan ay kanina pa masama ang pakiramdam ni Shantal. Noong magising siya ay hindi siya komportable at pakiramdam niya may hindi magandang mangyayari.

Agad siyang nagpunta sa hospital para sana bantayan si Allora ngunit nalaman niya kay Dr. Richelle na nagpadischarged si Allora kahapon. Nang malaman niya iyon ay lalo lang siyang kinabahan ng sobra. Mukha lang siyang galit sa tuwing pinagsasabihan niya si Allora at Alroy pero ang totoo ay matindi siyang nag-aalala kaya nagmumukha siyang galit.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon