KABANATA 40

10.2K 603 70
                                    

Kabanata 40. 

Nang marinig ko ang sinabi ni Gavon ay tsaka ko lang naalala na wala na kami sa loob ng panaginip ngayon. We can now have a physical contact. Pwede ko na siyang mahawakan hindi katulad ng sa panaginip ko.

Napatakip ako sa aking labi ng mapansin ko na bumaba ang tingin ni Gavon sa labi ko.

Magsasalita na sana ako nang bigla kong maalala si Alroy na pinalabas ko kanina. Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo.

"Wait, my brother—"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil biglang bumukas ang pinto ng apartment namin ni Alroy.

Nang makita ko si Alroy na pumasok sa pinto habang gamit niya ang kaniyang crutches ay nakahinga ako ng maluwag. Nakita kong may bitbit siyang isang supot ng patatas.

Lumapit ako kay Alroy at kinuha sa kaniya ang dala niyang supot.

"Habang naglalakad ako, pinag-isipan ko ang sinabi ni Sir. CEO. Ikaw ba ang tinutukoy niyang girlfriend?" Nagtatakang tanong bigla sa akin ni Alroy kaya nasamid ako sa aking laway.

Napaubo ako.

"Sir. CEO?" Naguguluhan kong tanong sa aking kapatid.

"That man, he's a CEO, and guess what. The name of his company is Allora G.R Corporation," pahayag pa ni Alroy.

Malakas akong natawa ng marinig ko ang sinabi ni Alroy. Hinampas ko siya sa kaniyang maayos na balikat.

"Maupo kana don, magluluto lang ako ng pagkain." Natatawa kong saad dahil hindi ko talaga alam kung paano iexplain lahat-lahat sa kaniya.

Naglakad ako patungo sa may kitchen area. Maliit lang ang bahay namin kaya kitang-kita ko pa rin si Gavon at si Alroy na nakaupo sa sofa. Rinig ko rin ang sound mula sa TV.

"Sir, do you know my sister?" Tanong ni Alroy kay Gavon kaya agad akong napaangat ng tingin.

Nilaga sana ang lulutuin ko kanina ngunit dahil biglang dumating si Gavon ay menudo nalang ang napagpasyahan kong lutuin.

"Don't call me Sir. Call me brother-in-law. I am your sister's boyfriend," pagpapakilala ni Gavon kaya halos mapadami ang paglagay ko ng asin sa menudo dahil sa gulat.

Nang tumingin ako sa dalawa ay pansin kong hindi na nagulat pa si Alroy. Tumango lang ito na para bang imeexpect na niya ang bagay na iyon.

"But how long have you known my sister? Because I've read in an article that you founded AGR Corporation nine years ago. Is it a coincidence that your company name is similar to my sister's name?" Seryosong saad ni Alroy na para bang nasa isang interview show sila ngayon ni Gavon.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mag-aalala para kay Gavon dahil alam kong hindi siya titigilan ni Alroy. Lalo na dahil pinakilala ni Gavon ang sarili niya bilang boyfriend ko.

"I've known her for 10 years and It's not a coincidence. I named my company after her," kalmadong sagot ni Gavon.

"If you've known her for 10 years, bakit ngayon mo lang naisipan na magpakita dito sa bahay namin?" Seryoso pang tanong ni Alroy.

Hindi tuloy ako makapagfocus sa aking niluluto.

"Ngayon ko lang nalaman na dito kayo nakatira," sagot ni Gavon.

"Hindi sayo sinabi ni Ate Allora kung saan kami nakatira?" Magkasalubong ang kilay ni Alroy. "Pero sigurado ako, kahit hindi sabihin ni Ate Allora ay may paraan ka para malaman kung saan kami nakatira, hindi ba?" Seryoso pa nitong saad.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon