KABANATA 19

7.5K 537 65
                                    

Kabanata 19.

Nang makabalik ako sa aking panaginip ay nakita kong mag-isang kumakain si Gavon.

"Gavon."

Mahina kong tinawag si Gavon. Akala ko ay hindi niya ako maririnig ngunit agad siyang nag-angat ng tingin sa akin.

Nginisian niya ako.

"Where have you been?" Nakangising tanong niya sa akin. There's a hidden coldness in his eyes, I can see that.

"Are you okay?" Tanong ko sa kaniya.

Naglakad ako palapit sa kaniya at naupo sa tabi niya. Nagpatuloy lang si Gavon sa pagkain.

"I am not fine," bigla niyang saad habang nakangisi. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o nagsasabi ng totoo.

"Maybe I will be fine if you tell me where you live before," pagpapatuloy niya pa.

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa kaniya ngayon. Is he really fine or not? Nagjojoke ba siya para i-distract ang kaniyang sarili o binibiro niya lang talaga ako.

"So my address can comfort you?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.

Tumango si Gavon bago ako tinitigan.

"Now that I am looking at you, I think you don't need comfort at all," nakangisi kong saad sa kaniya.

Sumimangot naman si Gavon kaya natawa ako.

"Do I not look sad enough to you?" Pagbibiro niya sa akin.

Hindi ko alam kung sino talaga ang nagbibigay ng comfort sa aming dalawa. Siya ba o ako. I came here to make him smile or laugh, I didn't came here for him to do exactly what I am planning to do.

He's the one making me smile and I don't know but, seeing him like this makes me feel comforted.

"But I'm serious. Where do you live before?" Tanong muli niya sa akin.

"Westside City," nakangiti kong sagot sa kaniya.

"It's too far from here. Why are you in the Capital City? Is your body buried here?" Tanong niya sa akin. Napatawa ako dahil hindi ko rin alam kung bakit sa Capital City ang setting ng panaginip ko instead sa Westside City.

"Well, I don't know." Nagkibit-balikat ako.

Nang matapos kumain ni Gavon ay nilagay niya sa dishwasher ang kanilang pinagkainan. Matapos niyang magligpit sa kusina ay nagtungo na siya sa kaniyang kwarto.

Para bang walang nangyaring kung ano man kanina. Maybe this is really his daily life. Ilang araw naging stable si Auntie Hillbeth bago ito muli nagbreakdown. Siguro ay sanay na si Gavon sa bagay na iyon, kaya siguro minsan ay hindi siya nag-aalala kaya okay lang sa kaniya kahit gabihin siya ng uwi.

Umupo si Gavon sa harap ng study desk niya at nagsimulang maggawa ng kaniyang homework. Minsan nalilimutan ko na isa nga lang pala siyang senior high student.

"Where do you plan to study in college and what course are you going to take?"

Naupo ako sa kama ni Gavon habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya ako hinarap kaya pinagmasdan ko lang si Gavon.

"Mechanical engineering. Dito rin ako magkacollege sa Capital City," sagot niya sa akin.

Medyo hindi na ako nagulat nang marinig ko ang sagot ni Gavon. Nabanggit na ni Hullien na magaling magmodified ng sasakyan si Gavon.

"Kung ganon, about din ba sa cars ang company na imamanage mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Maybe, I am still undecided. I am also thinking about raising a computer technology company. I think technology will be the center of the future," sagot niya sa akin.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon