KABANATA 9

8.1K 569 152
                                    

Kabanata 9.

Lumipas ang buong gabi sa aking panaginip ngunit hindi pa rin ako nagigising. I did not sleep. I can't sleep. Nahiga lang ako sa couch buong gabi hanggang sa mag-umaga. Ipinikit ko lang din ang mata ko pero hindi ako nakatulog.

Syempre, medyo weird yata kapag nakatulog talaga ako sa loob ng aking panaginip. Nang sumapit ang umaga ay nakita kong lumabas si Gavon sa kaniyang kwarto. Nakasuot na siya ng kaniyang uniform.

"Take care of yourself outside. Don't worry about your mother. I will look after her. Go home immediately when the class is over," saad ko kay Gavon. Tumayo ako at sinundan ko siya papunta sa may pinto.

Nilingon niya ako bago siya nagsalita.

"Are you not going with me?" Tanong niya sa akin.

Mabilis naman akong umiling.

"No, I will stay here with your mother," pahayag ko sa kaniya.

Nagsalubong ang kilay ni Gavon.

"She can't see you, why would you want to stay?" Hindi kumbinsidong saad niya. Inirapan ko naman siya.

"I am too tired to go out today." Pagsasabi ko ng totoo.

Isa pa, wala naman akong gagawin sa school nila Gavon. Nakapaglibot na rin ako sa school nila at hindi na ako interesado na pumunta ulit don.

"Fine. Stay at home and don't leave even if you have nothing to do here." Paalala niya sa akin kaya naman mabilis akong tumango.

"Do you think I am a free person and will just leave because I've got bored? You don't know how I love staying at home. See you later," masaya kong saad.

I've never been a free person. I always have a lot on my plate. Lalo na kapag hindi bakasyon, maging si Alroy ay madalang kong makausap dahil sa sobrang busy ko sa part-time job at sa paggawa ng mga school work papers and projects. Kaya naman mas gusto kong magstay ng bahay kapag hindi na ako masyadong busy.

Pero ngayon ay pakiramdam ko sobrang dami na ng nangyayari sa buhay ko dahil sa panaginip ko.

Nang makalabas si Gavon ay muli akong nahiga sa may couch. Makalipas ang ilang minuto ay nakita kong may pumasok ng bahay.

Matandang babae ito. Tahimik lang siyang pumasok, para bang takot na baka makagawa siya ng ingay. Ibinaba niya lang ang dala niyang bag sa may coffee table sa aking tapat. Pumasok siya sa isang pinto at paglabas niya ay may dala na siyang mga panlinis.

This is the life of wealthy people. Kahit ano pang tanggi ni Gavon sa kaniyang origin, ay hindi niya maitatago na galing talaga siya sa isang mayaman na pamilya.

Matapos linisin ng nanny ang buong bahay ay agad din siyang umalis. Ilang minuto naman ang lumipas ay may pumasok ulit. Isa itong lalaki na nakasuot ng tuxedo.

Okay na sana ang porma niya ngunit may bitbit siyang mga malalaking bag ng groceries. Tumayo ako bago ko siya sinundan papasok ng kusina. Pinanood ko lang siya habang nilalagay niya ng maayos ang mga grocery sa refrigerator at sa may cabinet.

Nang matapos siya sa kaniyang trabaho ay lumabas din agad siya sa bahay. Makalipas ang isang oras ay dumating naman si Miss Nurse.

Nang dumating siya ay sakto naman na nagising na ang nanay ni Gavon. Nang lumabas siya ng kaniyang bedroom ay napansin kong mukha lang siyang normal. Kung hindi ko lang nasaksihan ang nangyari noong huli ko siyang makita ay hindi ko maiisip na may mental illness siya.

Naupo lang sa aking tabi ang nanay ni Gavon habang nanonood siya ng TV. Kinakausap rin siya ni Miss Nurse paminsan-minsan. Nag-uusap lang sila na parang isang normal na magkaibigan.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon