KABANATA 37

9.2K 566 50
                                    

Kabanata 37. 

Nang makababa kami sa bundok ay madilim na. Sobrang drain na rin ng energy ni Shantal dahil mas madami ang nasisilabasan na ahas kapag madalim na ang langit.

Nakalimutan din namin magdala ng flashlight kaya ang flashlight nalang sa mobile phone ang aming ginamit dahil wala kaming choice.

Agad akong naupo sa may bench ng makarating kami sa bus stop.

"8:30 pm na. Mukhang natagalan tayo sa pagbaba," saad ko ng makita ko ang oras sa aking cellphone.

Nagsalubong din ang aking kilay ng mapansin kong may isang missed call sa aking mobile phone. Nagtataka ko iyon nakita bago ko napansin na kaparehas ang number na iyon ng tinawagan kanina ni Alroy.

Ngunit hindi pa ako nakakapagreact ng biglang nagshutdown ang mobile phone ko dahil wala na iyong battery.

"Hindi na mauulit. Hindi na talaga mauulit. Never akong babalik sa bundok na iyon. I really hate snakes!" Pagrereklamo ni Shantal sa aking tabi.

"Pinagdasal mo naman na sana gumaling ako, baka nakalimutan mo. Sayang ang pinunta natin?" Natatawang tanong ko kay Shantal.

"Oo naman. Kahit walang buddha sa lugar na iyon ay pinagdasal ko pa rin na sana mawala ng kusa yang brain tumor sa ulo mo," seryosong saad ni Shantal kaya natawa ako.

Minsan talaga hindi ko rin alam kung nagbibiro ba siya o kung seryoso ba ang mga sinasabi niya.

Alas nuebe nang makarating ang bus na sasakyan namin. Dahil gabi na ay halos wala pa sa sampo ang pasahero ng bus.

Pumikit na lang ako para matulog dahil napagod din ako ng sobra. Isa pa, nagsisimula na naman manakit ang aking ulo. Si Shantal sa tabi ko ay nagsimula na rin na humagok dahil sa kaniyang sobrang pagod.

---

Nang magising ako ay saglit muli akong napatulala dahil kahit papaano ay umaasa pa rin ako na sana mapanaginipan kong muli si Gavon. Ngunit hindi ko na talaga siya napapanaginipan. Hindi ko nga rin sigurado kung nanaginip ba ako kagabi o hindi.

Nang imulat ko rin ang aking mata ay agad kong napansin na nasa hospital na ulit ako. Hindi ko natatandaang nagising ako kagabi. Siguradong si Alroy ang nagbuhat sa akin papunta dito.

Nakasuot na rin ulit ako ng hospital gown at alam kong si Shantal ang nag-asikaso sa akin.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Pero 8 na ng umaga ng ako ay nagising. Wala si Shantal at si Alroy. Alam kong may trabaho si Shantal ngayon pero hindi ko alam kung saan nagpunta si Alroy.

Napansin kong nakacharge ang aking mobile phone. Kinuha ko yon at tinanggal sa charger.

Nang mabuksan ko ang aking mobile phone ay nakita kong muli ang isang missed call. Iyon ang missed call na nakita ko kagabi na pagmamay-ari ng kaibigan daw ni Alroy.

Nasa lockscreen pa rin dahil hindi ko iyon naalis kagabi. Balak ko sanang alisin ngayon ngunit aksidente kong napindot ang call back button.

Balak ko sanang patayin ngunit agad na may nagpick-up sa kabilang linya kaya wala akong nagawa kundi ang itapat sa aking tenga ang phone.

Magsasalita na sana ako upang sabihin na hindi ko sinasadyang tumawag ngunit naunahan na ako ng tao sa kabilang linya.

"Hello."

Natigilan ako ng marinig ko ang isang malalim na boses sa kabilang linya. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naapektuhan siguro ako dahil sa gwapo at malalim na boses na narinig ko.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon