KABANATA 34

8.9K 539 44
                                    

Kabanata 34. 

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW 

"Alroy, tawag ka ni Teacher Luna!" Malakas na sigaw ng isang lalaking estudyante.

Napatigil sa pagsusulat si Alroy at napaangat siya ng tingin ng marinig niya ang sinabi ng kaniyang kaklase. Bago siya tumayo ay inayos muna niya ang kaniyang mga gamit sa desk.

Nang makalabas si Alroy sa kanilang classroom ay dumiretso siya sa faculty room kung nasaan ang kanilang adviser.

"Teacher Luna," bati ni Alroy nang makarating siya sa lamesa ng kaniyang adviser.

"Tatlong araw ka ng absent, may problema ba sa bahay niyo or nagkasakit ka ba?" Mahinahon na saad ni Teacher Luna sa kaniyang estudyante.

Hindi naman nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Alroy. Nanatili lang walang emosyon ang kaniyang mukha.

"Teacher, sinugod po sa hospital ang ate ko noong nakaraang araw. Walang magbabantay sa kaniya, kaya kinailangan kong umabsent," paliwanag ni Alroy sa teacher na nasa harapan niya.

Nagulat si Teacher Luna nang marinig niya ang sagot ng kaniyang estudyante. Alam niyang wala ng magulang si Alroy at ang ate nalang nito ang kaniyang pamilya. Wala din tumutulong sa kanila kaya alam niyang mahirap ang buhay para kay Alroy.

"Ganon ba? Bakit hindi mo sinabi agad kay teacher? Naexcuse sana kita sa mga subject teachers mo," mahinahon na usal ni Teacher Luna.

Hindi nagsalita si Alroy at nagkibit-balikat lang siya. Hindi siya nagsabi sa kaniyang adviser dahil sa tingin niya ay personal matter niya ang bagay na iyon. Wala rin siyang pake kahit magkaroon pa siya ng madaming absent.

Sa totoo lang matagal na niyang balak tumigil sa pag-aaral. Ngunit alam niyang tama ang kaniyang ate na masyado pa siyang bata at walang tatanggap sa kaniya sa trabaho kahit pa part-time job lang ang applyan niya.

Ngunit nung araw na sinugod niya sa hospital ang kaniyang ate ay narealize niya na kailangan na niya talagang magtrabaho. Sa buhay nila, hindi na mahalaga ang pag-aaral dahil kung hindi pa siya hahanap ng pagkakakitaan ay baka mamatay sila sa gutom at lalo na ngayon dahil kailangan ni Allora na maoperahan.

Bukod pa don, alam ni Alroy sa sarili niya na masyadong advance ang isip niya kumpara sa kaniyang mga kaklase. Walang mawawala kung tumigil man siya ng isang taon dahil alam niyang makakahabol siya sa mga lesson at hindi siya mapag-iiwanan.

Pero alam niya din na kahit ipaliwanag niya iyon sa kaniyang ate ay hindi ito makukumbinsi dahil nga sa paningin ng kaniyang kapatid ay isa lamang siyang batang kailangan alagaan.

He's already fifteen but for his older sister, he's just only fifteen.

He's not old enough to work.

Alam niyang tama ang kaniyang Ate Allora pero alam niya din na mahirap kumita ng pera sa panahon ngayon.

Paano kung huli na ang lahat bago sila makaipon ng 3 million? Iyon ang pinaka-iniiwasang mangyari ni Alroy.

Naisip niya nga rin na baka tama ang isa pa niyang ate na si Shantal. Siguro kailangan na talaga nilang magbenta ng organs nila para magkapera.

Ngayon naiintindihan na ni Alroy kung bakit may mga taong gagawa ng masama magkapera lamang. Dahil karamihan sa mga masasamang tao ay nakakagawa lang ng masama kapag wala na silang pagpipilian pa.

Should he also rob a bank? Or maybe hack some random big accounts?

Sa totoo lang ay maliit na konsensya nalang ang pumipigil kay Alroy na gumawa ng mali. Para sa kaligtasan ng ate niya ay wala siyang pakelam kahit maging masamang tao siya.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon