KABANATA 20

8.4K 535 80
                                    

Kabanata 20.

It's been a two weeks, hindi pa rin ako nagigising. Pakiramdam ko tuloy ay part na talaga ako ng dream world na ito. Medyo nasanay na din ako kay Auntie Hillbeth. Magiging stable siya ng ilang araw tapos bigla nalang siyang magkakaroon ng mental breakdown.

Ang hindi ko lang gusto kay Auntie Hillbeth ay ang mga bagay na sinasabi niya kay Gavon kapag nagbe-breakdown siya.

Ngayon ay nasa classroom ako nila Gavon. Nakaupo sa may bintana. Walang teacher sa unahan pero abala ang mga kaklase ni Gavon sa pagsasagot ng activity na iniwan ng teacher.

Ang ilang mga kaklase nila ay maiingay at nagkukwentuhan. Kanina pa tapos si Gavon sa kaniyang ginagawa. Nakayuko lamang siya ngayon habang naglalaro sa kaniyang cellphone. Hindi ako mahilig sa mga laro sa mga mobile games kaya hindi ko alam kung anong nilalaro ni Gavon. Narinig ko lang si Hullien na binanggit ang pangalan ng game na nilalaro ni Gavon kanina. Kung hindi mali ang pagkakarinig ko ay 'Groove Coaster' ang tawag sa nilalaro niya. I've never heard of that game before.

Napatingin ako sa labas matapos kong tingnan si Gavon. Gusto ko siyang kausapin pero alam kong hindi iyon maganda dahil baka mapagkamalan siyang baliw ni Hullien at ng mga kaklase niya.

Wala pa naman pake si Gavon sa iniisip ng ibang tao tungkol sa kaniya. Siguradong makikipag-usap siya sa akin kapag umimik ako. Iyon yung napapansin ko sa kaniya.

Minsan nga naiisip ko na siguro kaya ganon si Gavon ay dahil nga part lang siya ng panaginip ko at kung sa games, parang nakaprogram siya na kausapin talaga ako. Pero kahit panaginip lang ito ay ayoko pa rin na magmukhang baliw si Gavon sa harap ng mga tao sa paligid niya, kahit maging ang mga taong iyon ay part lang din ng aking panaginip.

Napasulyap ako sa labas ng bintana. Nasa third floor ang classroom nila Gavon. Pero kahit nasa taas ako ay kita ko pa rin ang mukha ng babaeng naglalakad sa baba.

She looks familiar. Very familiar.

Nangunot ang noo ko. Lumiyad pa ako para tingnan maige ang kaniyang mukha. She really looks familiar.

Nasa dulo na ng dila ko ang pangalan ng babaeng naglalakad sa may baba ngunit hindi ko iyon mabanggit.

Dahil sobrang curious ako ay hinayaan ko nalang na mahulog ang aking katawan ng mawalan ako ng balanse.

"Fuck!"

Bago ako nahulog sa ground ay narinig ko ang gulat na mura ni Gavon. Kaya naman nang makaayos ako ng tayo ay agad akong tumingala para tingnan ang bintana kung saan ako nahulog.

Nakita kong nakadungaw si Gavon sa bintana habang nakatingin sa akin. Sa tabi niya ay kita kong nakadungaw rin si Hullien na halatang nagtataka. Nagpapabalik-balik ang tingin niya kay Gavon at sa pwesto ko. Hindi ko rinig ang sinasabi niya kay Gavon pero mukhang nagtatanong siya kung ano ba ang nangyari.

Nakalimutan na naman ba ni Gavon na hindi naman ako katulad nila dito? Kahit mahulog pa ako sa 100th floor building ay hindi ako mamamatay sa loob ng panaginip ko.

Nginitian ko lang si Gavon bago ko siya kinawayan.

"I just saw something. I'll be back later!" Sigaw ko kay Gavon na hanggang ngayon ay magkasalubong ang kilay.

Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero halata sa mukha niya na wala na naman siya sa mood. Sanay na ako sa kaniya.

Minsan ay napakahyper niya, sometimes he's really mean and aggressive sa lahat ng mga taong lumalapit sa kaniya but most of the time he's really sweet and gentle, lalo na kapag mag-isa lang siya or should I say na kapag kami lang dalawa ang magkasama at kapag walang tao sa paligid namin.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon