KABANATA 41

9.8K 568 158
                                    

Kabanata 41.  

Kinabukasan, nagising ako dahil sa sigaw ni Shantal.

"Gusto mo na bang sumuko sa buhay? Balak mo ba kaming iwan ni Alroy dahil wala tayong perang pampa-opera? Nag-overtime ako kagabi dahil alam kong kailangan natin ng pera tas paggising ko ngayong umaga, malalaman ko na nagpadischarge ka kahapon? Hindi lang kita nakausap kahapon dahil busy ako. Madaming customer sa restaurant na pingtatrabahuhan ko kaya hindi ko nagawang tawagan ka at nakatulog agad ako pag-uwi!"

Malakas na boses ni Shantal ang bumungad sa akin nang magising ako. Nang imulat ko ang aking mata ay nakita ko siyang nakapameywang habang nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin.

Muli akong pumikit bago bumuntong-hininga.

Maganda ang tulog ko kagabi dahil nakita ko si Gavon. Bukod pa don ay nagkiss kami ng matagal sa parking lot. Kung wala pang dumating na sasakyan ay baka hindi niya ako tinigilan.

"Wala kang work ngayon?" Tanong ko kay Shantal ng magmulat muli ako ng mata.

Bumangon ako at tiningnan ang oras. Napansin kong alas-nuebe na ng umaga.

"Work? Paano ako makakapagtrabaho kung alam kong pwede kang bumulagta kahit anong oras?" Singhal sa akin ni Shantal.

"Nasaan si Alroy? Pumasok ba yon? May bali yon sa kamay at paa," saad ko. Naglakad ako patungo sa CR para maghilamos. Nakasunod lang sa akin si Shantal.

"Isa pa yon, sinabi ko na sakaniya na huwag siyang pumasok pero nagpumilit pa. Kinaon rin siya ng kaniyang kaibigan na ang pangalan ay Kevin, kaya wala na rin akong nagawa," saad pa ni Shantal habang naiiling.

"Pwede na akong magpa-opera. May pambayad na ako," pahayag ko kay Shantal matapos kong maghilamos para matigil na ang galit niya.

Nilingon ko si Shantal bago ako ngumiti.

"What!? Talaga?" Malakas na sigaw ni Shantal kaya natatawa akong tumango.

"Tsaka na ako magtatanong kung saan mo nakuha ang pera. Sa ngayon, kailangan na natin magpunta sa hospital at kausapin si Dr. Richelle!" Masayang saad ni Shantal kaya napailing nalang ako.

Magsasalita na sana ako para sabihin kay Shantal na huwag niya akong higitin dahil hindi pa ako bihis nang biglang nagring ang cellphone ko.

Pumasok ulit ako sa kwarto at nang makita ko ang caller ID ay agad akong napangiti. Kagabi ay sinet ko na ang contact information ni Gavon sa aking cellphone.

Nasabi niya kasi na isave ko ang number niya bago siya umalis. Ang isa ay ang kaniyang personal number at ang una ko palang natawagan ay ang kaniyang number sa business card.

Tumikhim muna ako bago ko sinagot ang tawag.

"Hello. Good morning,"  nakangiti kong saad.

"Good morning, Allora baby, how's your sleep?" Saad ni Gavon sa kabilang linya kaya natawa ako dahil sa tinawag niya sa akin.

"I slept well," masaya kong saad.

"Good, I'll come and get you later. Let's eat lunch together. I can't come right now so take care of yourself," malambing na saad ni Gavon kaya halos matunaw ang puso ko.

"Okay—What the hell!"

Malakas akong napasigaw ng makita ko ang nakazoom-in na mukha ni Shantal sa aking harapan ng lumingon ako sa aking likuran.

"You scared me!" Gulat na saad ko kay Shantal na ngayon ay titig na titig sa akin.

"What happened?"

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon