KABANATA 22

7.7K 507 84
                                    

Kabanata 22.

"Seriously, Allora. Akala ko ay kung ano na ang nangyari sayo kanina. You look like you are out of breath and you are so red," saad sa akin ni Shantal nang makaalis si Alroy sa bahay dahil kailangan na niyang pumasok.

Ngayon ay kumakain kaming dalawa ni Shantal.

Maaga siyang pumunta dito ngayon sa bahay namin dahil tutulungan niya akong maghanap ng part-time job ngayon.

Hindi ko rin akalain na pupunta siya ng sobrang aga. It's only 6 am. Kaya nga naabutan ko rin si Alroy dahil maaga akong nagising ngayon.

"May napanaginipan lang ako," usal ko kay Shantal.

Curious niya akong tiningnan.

"Anong napanaginipan mo at mukhang kahit sa paggising mo ay apektado ka pa rin?" Tanong niya sa akin.

Mahina akong natawa.

"Nananaginip lang ako ng gwapong lalaki na may gusto sa akin," nakangising pahayag ko.

"What? Pfft. Seryoso ka?" Natatawang sabi ni Shantal. Tinanguan ko naman siya.

"So, kaya namumula ka kanina ay dahil sa lalaki sa panaginip mo na may gusto sayo?" Tanong niya sa akin.

"Yep," nakangisi kong sagot.

I wonder why Gavon like me. Hindi rin ako sigurado kung paano niya natanggap sa sarili niya na magkagusto sa isang nilalang na akala niya ay multo.

Pinanliitan ako ng mata ni Shantal bago siya malawak na ngumisi.

"Sa panaginip mo, may something ba kayong ginagawa?" Nakangisi niyang tanong.

Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko gets ang tanong niya.

"Something na ginagawa? Ano yung something?" Hindi siguradong tanong ko kay Shantal.

Hindi nawala ang ngisi ni Shantal.

"You know, you are blushing so much earlier. Naisip ko lang, are you having sex with the guy in your dream bago ka nagising?"

Nalunok ko ng buo ang omelet na kasusubo ko lang dahil sa gulat nang marinig ko ang sinabi ni Shantal. Napaubo ako ng malakas bago ako uminom ng tubig.

Seriously, bakit kami magkaibigan?

"No, of course not!" Pagtanggi ko sa kaniyang tanong.

Malakas siyang tumawa dahil sa reaction ko. Napailing nalang ako.

Am I having sex with Gavon? That's impossible. No way. That guy is only 18, he's so young and innocent. Isa pa, hindi nga possible ang physical contact, sex pa kaya.

Pero nang maalala ko ang tanong ni Shantal ay hindi ko mapigilan na mamula. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisnge.

"Talaga? Bakit namumula ka na naman? Naalala mo ba bigla ang steamy bed scene niyo ng lalaki sa panaginip mo?" Pang-aasar niya pa sa akin.

Sinamaan ko ng tingin si Shantal.

"What steamy bed scene? I don't know what you are talking about and the guy in my dream is only 18!" Singhal ko kay Shantal.

Natigil naman si Shantal sa pagtawa matapos kong magsalita. Gulat niya akong tiningnan.

"What? The guy in your dream is a teenager? Allora, I never expected that you are into teenagers," natatawang saad ni Shantal.

Napairap ako.

"I'm not," pagtanggi ko.

"So you like young and fresh guys huh," pahayag pa ni Shantal kaya napailing ako.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon