Kabanata 26.
ALLORA'S POINT OF VIEW
Mabilis na lumipas ang araw. Matagal na rin akong nasa loob ng aking panaginip. Ngayong araw ay last day na ng pasukan bago ang christmas vacation nila Gavon.
Nakatayo ngayon si Gavon at Hullien sa may tabi ng bintana. Ako naman ay nakaupo sa upuan ni Gavon habang nakapangalumbaba sa kaniyang desk. Pinagmamasdan ko lang si Gavon.
Kanina pa sila magkausap ni Hullien. Hindi na ako nakinig sa kanila dahil alam ko na ang pinag-uusapan nila. Actually, si Hullien lang ang patuloy na nagsasalita. Ilang araw na niyang kinukumbinsi si Gavon na magpatingin sa expert. Ngayon ay iyon din ang sinasabi ni Hullien.
Gusto niyang magpatingin si Gavon sa psychiatrist. Hindi naman pinapakinggan ni Gavon ang suggestion ni Hullien dahil nga alam niya sa sarili niya na hindi siya baliw at walang mali sa kaniyang pag-iisip.
Natatawa nalang din ako sa kanilang dalawa kapag nagtatalo at nag-uusap sila. Paminsan-minsan ay may lumalapit sa kanilang dalawa ni Gavon para siguro makipag-usap din, dahil siguro ay magbabakasyon na. Next year na ulit sila magkikita-kita.
Ang ibang mga babae ay naglakas loob na rin na lapitan silang dalawa. Mabilis lang ang nagiging pag-uusap nila, like anong gagawin niyo sa christmas vacation. Iyon lang kadalasan ang tinatanong ng mga kababaihan bago sila nauubusan ng sasabihin dahil hindi nagtatanong si Gavon at Hullien.
"Gavon, Hullien."
Ngayon ay isang lalaking nakasalamin ang lumapit sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang class president ng section nila Gavon.
"What's up?" Tugon ni Gavon sa kanilang president.
"Bukas, may christmas party tayong gaganapin sa Livelong KTV Bar, sa may north avenue. Nasabi ko na 'to kahapon pero in case na baka nakalimutan niyo, gusto ko lang ipaalala," pahayag ng president nila.
"Oh, thank you, we got it." Tumango si Hullien.
"I'm busy," saad naman ni Gavon kaya napakunot ang noo ko.
"Busy with what?" Sabay naming tanong ni Hullien.
Tumingin sa akin si Gavon. Pinagtaasan niya ako ng isang kilay bago muli siyang nagsalita.
"Well, I guess I'm not." Pahayag muli ni Gavon.
"Cool," saad ng president nila bago ito umalis.
"Let's just rent a different room when we get there," bulong ng anti-social na si Hullien.
Ayaw niya talagang makipag-interact sa kaniyang mga kaklase.
"That sounds good," pagsang-ayon naman ng supladong si Gavon.
Siguro kung wala ako baka silang dalawa ang magkatuluyan. Parehas na parehas sila na ayaw makipag-interact sa ibang tao.
Nang makauwi kami ni Gavon sa kanilang bahay ay naabutan namin na masayang nagluluto ang kaniyang nanay. She's very stable nitong mga nakalipas na araw. Minsan nga ay nawawala talaga sa isip ko na medyo may problema sa isip si Auntie Hillbeth. Naalala ko lang kapag napapatitig ako sa kaniya.
"Christmas is coming. Let's visit my father's grave the day after tomorrow, I know he misses you so much." Nakangiting pahayag ng nanay ni Gavon. Nakain sila ng dinner ngayon at manonood sana ako ng TV kaso natatakot ako na baka bigla silang sabay na matumba dahil sa lason.
Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan na may nilagay na lason noon si Auntie Hillbeth sa pagkain nila ni Gavon.
"Okay," tugon lang ni Gavon.
BINABASA MO ANG
The Man She Met In Her Dreams
عاطفيةHer dream is someone's reality. His reality is someone's dream. TAGLISH STORY APRIL 2022