KABANATA 31

7.6K 513 113
                                    

Kabanata 31. 

Mabigat ang dibdib ko at umiiyak ako noong magising ako. Sobrang sakit ng puso ko ngunit mas nangibabaw ang sakit ng ulo ko nang magising ako.

"Allora! Bakit hindi mo sinabi sakin na may brain cancer ka!"

Magkasalubong ang kilay kong binalingan ng tingin si Shantal. Nagtataka ko siyang tiningnan bago ko napansin na wala ako ngayon sa aking kwarto.

"Bakit ako nasa hospital?" Nagtataka kong tanong. May IV drop din na nakatusok sa aking kamay.

"What the fuck? Why are you crying, Allora?" Pahayag pa ni Shantal sa akin. Naupo siya sa aking tabi at pinunasan niya ang aking basang pisnge.

Naguguluhan kong tiningnan si Shantal. Napansin ko rin na wala si Alroy.

"Where is Alroy and why I am here? I don't have money to pay the bills," saad ko kay Shantal.

"Tatlong araw ka ng tulog, Allora. Ngayon ka lang nagising. Tinawagan agad ako ni Alroy noong hindi ka niya magising, tumawag agad ako ng ambulance at nung nilabas ang result ng MRI scan mo ay nakita ng doctor na may stage 2 brain cancer ka," paliwanag sa akin ni Shantal.

"Stage 2? Not stage 1?"

"Yes, as soon as possible kailangan mo nang maoperahan para hindi na lumala ang brain tumor sa ulo mo. Iyon lang ang alam ko at natatandaan ko na nabanggit ng doctor. Tinanong ko kung magkano ang kailangan natin bayaran," saad ni Shantal. Nakita kong humina ang boses ni Shantal noong nabanggit niya kung magkano ang dapat na bayaran.

"Magkano?" Tanong ko kay Shantal.

"We need atleast 3 million for the whole operation and treatment," sagot sa akin ni Shantal.

Nang marinig ko ang sinabi niya ay nawalan na agad ako ng pag-asa dahil saan ako kukuha ng ganong kalaking pera?

"Where is my brother?" Tanong ko kay Shantal nang maalala ko si Alroy.

"He went to to buy lunch. Pinigilan ko rin si Alroy kahapon na umalis dahil balak niyang maghanap na ng trabaho. Alam kong hindi mo papayagan si Alroy na magtrabaho."

Napatango ako nang marinig ko ang sinabi ni Shantal. Thankful talaga ako na nandyan siya.

Ngunit nang tumahimik bigla ang paligid namin ni Shantal ay agad nanikip ang dibdib ko. Muli akong naiyak nang maisip ko si Gavon.

"Why are you crying? Masakit ba sobra ang ulo mo?" Tanong sa akin ni Shantal. Pinunasan ko ang aking pisnge.

Umiling ako.

"Nandito ba ang cellphone ko?" Tanong ko kay Shantal.

"Wala. Hindi yata nadala ni Alroy," sagot ni Shantal sa akin.

"Wala ba talagang masakit sayo. Bakit mukha kang namatayan?" Usal pa niya kaya lalo akong napahikbi.

Namatayan talaga ako. Auntie Hillbeth died and Gavon... I don't know what happened to Gavon. Ngunit sigurado ako na walang makakasurvive kapag nahulog ang sasakyan sa may mataas na cliff.

"Pahiram muna ng phone mo," saad ko kay Shantal. Nilahad ko sa kaniya ang aking palad at inabot agad ni Shantal ang kaniyang cellphone sa akin.

Hindi ko pinansin ang tingin sa akin ni Shantal. Agad akong dumeretso sa google para i-search ang R'S Corporation.

Halos manginig ang kamay ko nang makita ko na nag-eexist talaga ang R'S Corporation dito sa country kung saan ako nakatira. Maging ang location na Capital City ay nakalagay din sa information ng R'S Company na iyon.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon