KABANATA 39

9.7K 641 144
                                    

Kabanata 39.

ALLORA'S POINT OF VIEW

Nang mapansin kong alas-singko na ng hapon ay napagpasyahan ko nang umuwi dahil alam kong mag-aalala sa akin si Alroy kapag ginabi ako. Lalo na ngayon dahil nagpumilit akong magpadischarge.

Siguro nga ay galit din siya sa akin dahil hindi ko pinapayagan siyang magtrabaho. Pero hindi magbabago ang isip ko sa bagay na iyon.

Nang makauwi ako ay napansin kong wala na si Kevin. Si Alroy ay nasa sala lang at nanonood ng TV.

"I'm back," usal ko ng pumasok ako.

Nilingon lang ako ni Alroy bago niya muling tinuon ang kaniyang atensyon sa TV.

Dumretso ako sa aking kwarto para ibaba ang mga gamit kong dala bago ako muling lumabas ng kwarto para magluto ng hapunan. Abala ako sa paghihiwa ng papatas ng may maalala ako.

"Alroy, tumawag pala yung tinawagan mo kahapon. Gabi ko na nakita at hindi ko na yon nabanggit sayo," saad ko sa aking kapatid.

Matapos kong magsalita ay agad akong nilingon ni Alroy. Nakita kong nawala ang pagka gloomy ng kaniyang mukha.

"Really?" Hindi niya makapaniwalang saad.

"Yeah, is that your friend? Sigurado ka rin bang tama ang natawagan mong number?" Pang-uusisa ko dahil malakas ang pakiramdam ko na hindi niya iyon kaibigan.

"Can I borrow your phone?" Pahayag ni Alroy ng hindi sinasagot ang tanong ko. Duda akong tumingin kay Alroy.

Sasabihin ko na sana sa kaniya na kunin niya ang phone ko sa aking kwarto ngunit naalala kong hirap nga pala siyang maglakad ngayon.

Hinugasan ko muna ang kamay ko bago ako naglakad patungo sa aking kwarto. Hindi pa man ako nakakapasok ay natigilan na ako dahil biglang may kumatok sa pinto.

"Akala ko ba ay overtime si Shantal ngayon?" Tanong sa aking sarili ng tingnan ko ang wall clock.

May susi si Shantal ng aprtment namin pero lagi siyang kumakatok bago pumasok. Hinintay kong magbukas ang pinto pero hindi iyon bumukas. Narinig ko ulit ang katok sa pinto kaya nagtataka akong naglakad patungo roon.

"Baka ang landlady na yan. Hindi pa tayo nakakapagbayad ng rent ngayong buwan," usal ni Alroy kaya napatango ako.

"Balak ko sanang magbayad bukas," saad ko.

Nang buksan ko ang pinto ay agad nanigas ang buo kong katawan. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako nakakurap habang nakatingin sa matangkad  na lalaki sa aking harapan.

What?

How come?

Why?

Am I dreaming right now?

Alam ko na noon pa na makikilala ko agad si Gavon kapag nakita ko siya. Kahit siguro tumanda pa siya or bumata ay makikilala ko agad siya. Siguro dahil ilang araw palang noong huli ko siyang makita. Nakatatak pa sa aking memorya ang kaniyang mukha.

Pero alam kong pag nakita ako ni Gavon ay mukhang malabo na makilala niya ako dahil alam kong para sa kaniya ay 10 years na ang lumipas at hindi araw.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa lalaking nasa harapan ko. He looks like he's in mid 20's. He's so tall. Hanggang balikat niya lang ako, kung dati ay abot pa ang height ko sa leeg niya ngunit ngayon ay saktong hanggang balikat niya lang ako.

Nawala rin ang konting pagkababy face ng mukha niya. He looks like a grown up man now. His eyes looks more even dark and cold than before. Nadefine lahat ng features ng mukha niya ngayon na nagmatured na siya. His tall and straight nose, his lips and his sharp jawline.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon