KABANATA 44

9.6K 588 113
                                    

Kabanata 44.

ALLORA'S POINT OF VIEW

Akala ko hindi na ako mananaginip ng ganito muli. Pero mukhang nagkamali ako. Alam kong nasa loob ako ng panaginip ngayon dahil pansin kong hindi ako nakikita ng mga tao sa paligid.

Am I in the past again or Am I in the present.

This time, naghanap na agad ako ng kalendaryo para tingnan ang month, day at year. Natuto na ako na mahalagang malaman kung anong year ngayon kahit nasa loob pa ako ng panaginip.

Ang huli kong natatandaan bago ako napunta sa ganitong state ay ang matinding pagsakit ng ulo ko bago ako nahimatay. Pagkatapos non ay nakita ko nalang ang aking sarili na nakatayo sa may playground.

Nasa harap ako ng mukhang kindergarten school. Balak ko sanang pumasok sa loob ng classroom para tingnan ang date pero napatigil na ako sa harap ng bulletin board sa may hallway dahil may nakapaskil na date doon.

October 10, 2000.

Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko ang date. 2000? Hindi pa ako pinapanganak ng taon na iyon. Nasa past ulit ako, tungkol rin ba ang panaginip na ito kay Gavon or hindi. Hindi ko sigurado, lalo na dahil hindi ko rin alam ang itsura ng batang si Gavon.

Kung October 2000 ngayon, 6 years old palang si Gavon. Kaya ba nasa kindergarten ako ngayon?

Kanina pa naglabasan ang mga bata. Kaya nga nalaman ko na nasa panaginip ako dahil hindi nila ako nakikita at hindi rin ako nakikita ng mga magulang ng mga bata. Para ulit akong multong pagala-gala.

Nanatili akong nakatitig sa may bulletin board ngunit agad akong napalingon ng may marinig akong nagsalita.

"Teacher Minerva, make sure to come and visit here. The children will surely miss you."

"I'll make sure to come back here with my child in the future. It's a pity that my husband was assigned to work in Greenfield City."

Nanigas ang buo kong katawan ng makita ko si Mama. She looks young and beautiful. Nakasuot siya ng maluwag na damit halata ang kaniyang nakaumbok na tyan. Naglalakad siya ngayon palapit sa aking harapan.

"M-Mama."

Napakagat ako sa aking labi. Gusto ko man maiyak ngunit walang luha ang nalabas sa aking mata.

Nang tumagos ang katawan ni Mama sa akin ay wala sa sariling napatulala nalang ako.

I want to talk to her, but I cannot.

Sigurado rin ako na ang baby na nasa tiyan niya ngayon ay ako. Limang buwan or anim na buwan na siguro ngayon siyang nagbubuntis.

"Take care of your yourself and your baby. Lalo na sa pagbyahe dahil malayo pa naman ang Greenvalley City dito sa Capital City," nakangiting saad ng nakausap ni Mama.

Nang marinig ko ang sinabi niya ay muli akong natigilan. Nasa Capital City pa rin ako ngayon. Bukod pa don, ngayon ko lang nalaman na mukhang naging teacher dito si Mama.

Akala ko noong una ay sa Greenvalley talaga sila nakatira ni Papa pero mukhang hindi ganon ang kaso. Ngayon ko lang nalaman ang bagay na iyon.

"Thank you, then I'll be leaving first." Pagpapaalam na ni Mama sa kaniyang kausap.

Nang maglakad palayo si Mama ay mabilis ko siyang sinundan. Nang madaanan ni Mama ang playground ay tumigil siya sa paglalakad.

Akala ko ay magpapatuloy siya sa paglalakad pero lumiko siya para magtungo sa may playground. Nagtataka kong sinundan si Mama.

The Man She Met In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon