Kabanata 28.
Nang makarating sina Gavon sa Livelong KTV Bar ay dumiretso sila sa private room na nirent ni Hullien. Sinabi ni Hullien na pwedeng mamaya nalang sila magtungo sa kabilang private room kung nasaan ang kanilang mga kaklase kapag nagsisimula na talaga ang party.
Hindi nila gusto pareho ang makipag-usap sa ibang tao kaya mas pipiliin ng dalawa na manatili sa isang malaking private room at tumunganga lang.
Nang makapasok kami ay nahiga lang si Hullien sa mahabang couch sa loob ng private room at nagsimulang maglaro ng games sa kaniyang cellphone habang may suot siya na headphone sa kaniyang tenga.
Si Gavon naman sa kabilang banda ay naupo lang sa isang one-seater na sofa. He's sitting like a boss. Maraming nakalagay na wine sa lamesa at nagsalin lang ng red wine si Gavon bago siya tahimik na uminom habang nakatitig ng mariin sa akin.
Weirdos.
Ako ay nakatayo lang sa harap ng pintuan at hindi na rin ako sigurado kung bakit ba ako sumama sa kanilang dalawa.
Right, gusto kong maexperience ang isang totoong christmas party ngunit mukhang malabo ang bagay na iyon.
Nakasimangot akong nagtungo sa may bakanteng sofa. Nahiga nalang ako ng tuwid bago ako napatitig sa kisame.
Ngunit makalipas ang ilang minuto ay hindi ko na nakayanan ang katahimikan. Inis akong naupo ngunit nagulat ako nang makita ko si Gavon na naglalakad patungo sa may pinto.
"Let's go, Hullien." Saad ni Gavon bago niya buksan ang pinto ng private room na 'to.
"What? Aattend talaga tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hullien.
Tumango lang si Gavon bago siya tuluyan naglakad palabas. Walang nagawa si Hullien kundi ang sumunod sa kaniya.
Nang makapasok kami sa kabilang private room ay bumungad sa aking pandinig ang malakas na music. Mukhang nagsisimula na nga talaga ang kanilang christmas party.
Napangiwi ako dahil hindi ko inexpect na ganito ang christmas party. Maingay at mga nagsasayawan lang sila. Magulo din at kahit hindi crowded ay nagmumukha pa rin crowded ang paligid.
Ang ilan pa sa mga kaklase nina Gavon ay may hawak ng mga alak. Karamihan din sa mga babae ay sobrang revealing ng damit.
Kung pwede nga lang ay kanina ko pa tinakpan ang inosenteng mata ni Gavon.
"I think we should go," pahayag ko kay Gavon.
Hindi pa kami nakakatagal ng ilang minuto pero suko na ako. Siguro ay hindi lang para talaga sa akin ang ganitong eksena. Or siguro dahil hindi ko rin maeenjoy dahil hindi ko naman kilala ang mga kaklase ni Gavon kahit matagal na akong nakikisit-in sa classroom nila.
"Why? I thought you want to experience a real party," saad ni Gavon sa akin. Mabilis akong umiling.
"Maybe I am not a party girl," natatawa kong saad kay Gavon.
"Okay, let's go." Nginisian ako ni Gavon matapos niyang magsalita.
Maraming bumati kay Gavon dahil madami sa kaniyang nakakita. Maging si Hullien ay kinausap rin ng iba nilang kaklase. Nakaalis lang sila dahil sinabi nila na busy sila at dumaan lang talaga silang dalawa.
Pero hindi nila alam na nasa kabilang private room lang si Hullien at Gavon.
Muling tumahimik ang aking paligid dahil sa dalawang lalaki na kasama ko. Si Gavon ay mukhang gusto akong kausapin ngunit hindi niya ginagawa. Nainom lang siya ng wine habang nakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
The Man She Met In Her Dreams
RomansHer dream is someone's reality. His reality is someone's dream. TAGLISH STORY APRIL 2022