Part 1 (The Offer)

867 11 0
                                    

_the luck or love phase_

"Alexandra!"  Sigaw ni Beth mula sa labas ng bahay namin.  Agad kong binuksan ang pinto. 
"Lumabas na yung result ng exam para sa Civil Service!"
At maagang nyang pinakabog ang dibdib ko.  Heto na nga ang hinihintay ko.  Naghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayun. Mabilis kaming pumasok sa kwarto ko at binuksan ng laptop.
" Alex, dahan dahan lang ha!  Bagalan mo lang,  kinakabahan ako eh."
"Oo,  sandali eto na nga. Yung sayo muna ang hanapin natin total letter G ka"
" o sige sige"
Dahan dahan ko iniscroll ang mga pangalan.
" okay,  letter g, g, g, g, g, g, g, g, g, g, g, g, g, g, g, H??? "
"............................"
" teka teka ulitin mo nga. "
" o sige "
Inulit ko lahat ng apelyedong nagsisimula sa letter G pero...
" Beth? Wala. "
"Oh my god!!! "
" halaaa,  sorry Beth"
Napakamot sya sa ulo.
" Ano ba yan!  Pangatlong beses ko na to eh!  Sige ikaw naman. "
" sandali,  kinakabahan ako eh. Okay letter M. "
" sana wala ka rin "
" kaibigan ba talaga kita? "
" I mean,  mas maganda pag pareho tayo diba? "
Napailing na lang ako sa kanya at dahan dahan na lang uling nag scroll ng names sa site.
" m, m, m, m, m, m, m, uy!  ay hindi pa pala,  m, m, m, m, m, N?!!!!! "

*PAAAK*

"Aray!! "
Sinamaan ko sya ng tingin,  pero nagulat din sya,  nasa likod na pala namin si Inay na naka pamay awang at masama ang awra sakin.
"Bagsak ka na naman!! Pangalawang beses na yan ah,  bakit ang ate mo,  unang exam pasado agad! Ayon nakakautay na sa buhay"
"Nay,  ang sakit naman eh! "
Humagalpak naman ng tawa si Beth pero nabatukan din sya ng inay.
"Isa ka pa!  Tuwang tuwa ka pang pareho kayong bagsak na naman? Susmiyo Marimar!  Kelan ba kayo gigising? Kapag matatanda na kayo? "
Naghimas na lang kami ng ulo ni Beth. Nag ngangatang lumabas ng kwarto ang inay.
" hayyyy. Pano na yan Alex? "
Tinitigan ko sya.
" huy ano na? "
Ngumiti ako sa kanya,  at napakunot naman ang noo nya.
" wag ka mag alala,  may next year pa"
"seryoso ka ba? "
Napanganga na lang sya sakin,  tumayo nako at kinuha ang jacket at sumbrelo ko.
" o pano ba yan?  Back to reality na uli.  Punta lang ako flowershop"
" buti ka pa may part time nho! "
" meron karin naman ah, part time tambay "
"hindi ka nakakatuwa"
"hahaha,  alis nako,  ikaw na bahala magpakalma kay nanay ha,  byeeee"
Nagmadali nakong lumabas ng bahay at nag antay ng masasakyan na jeep.
" yoohooo,  Alex!"
Tumigil sa harapan ko ang naka bike na si Lance.
"angkas naaaa"
"alam mo, timing ka lagi haha"
"lets go"
Umangkas nako.  Si Lance ay kapitbahay ko na 5 years ko ng kaibigan.
"hoy kumapit ka ha"
"wag mong bilisan ha,  sige ka di mo malalaman ng good news"
"hahahaha"
Sumisipol sipol pa sya habang nagpepedal
"ako ang may malaking good news para sayo"
"totoo ba yan?
"oo,  pero mamaya na lang pagdating sa shop"
"pabitin naman oh"
Tumawa na lang uli sya,  maya maya pa nakarating narin kami, bumaba nako sa pagkaka angkas
" So Alex,  anong good news? "
" ikaw muna "
" okay,  yung boss ko sa Company naghahanap ng instant yaya "
Mabilis pa sa kidlat ko syang pinalo sa braso.
"AH!! "
"Yaya?!! "
"oo"
"bal*w ka ba? "
"hindi"
"lingid naman sa kaalaman mong tapos ako ng Psychology diba? Tapos bibigyan moko ng trabaho,  Yaya?! "
"Hindi pa naman ako tapos eh"
"tumigil ka na!  Ayoko! "
"15,000 a month! "
Nanlaki ang mata ko at tumitig sa kanya,  dahan dahang naningkit ang mata ko habang sya pataas taas ng kilay
"hoy Lance,  hindi moko mauuto ha. Eh mas malaki pa yan sa sweldo ng contractual Government employee eh!  Tigilan moko ha"
" hindi ako nagbibiro no!  Sige ka,  pag ito binanggit ko pa kay Beth,  ewan ko na lang,  pasalamat ka nga ikaw ang una kong nakita ngayung araw eh. "
"tss! "
"oh ikaw?  Anong good news mo? "
Napaiwas ako ng tingin
"uhmmmmmm"
"na bagsak ka na naman sa Civil Service? "
"Teka,  Pano mo nalaman? "
"oofferan ba kita ng pag yayaya kung pasado ka? Atsaka kala mo ba di ko rinig sa kwarto ko ang usapan nyo kanina? Hoy magkatapat lang bintana natin! "
"tsk!! "

Nagitla kami pareho ng may marinig kaming parang nabasag sa loob ng shop,  kaya mabilis akong pumasok,  pati si Lance ay pumasok narin muna.

"Sir,  How can you do that?! "
"Kulang pa yan! "
"Sir,  walang labis,  walang kulang ang flowers na binibigay ko sa inyo,  ganun din ang presyo, kung namamahalan kayo, hindi lang naman ho kami ang may flower shop dito. Hindi nyo ho kaylangang basagin ang kahit anong bagay dito! "
"akala mo ba,  wala akong alam pagdating sa mga ganyan?! Ricky! Bigyan mo pako ng kahit anong babasagin dyan! "
"Yes Sir Nero! "
"No!  Sir Please!  Hindi tama yang ginagawa nyo!

Mr. Kuripot and his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon