*Mr. Kuripot and his Yaya*
Chapter 41 ( The longing )
(Fred POV)
Its been 3 days at Nasa korte ako ngayun dahil katatapos lamang ng trial ni Sir Nero at Sir Michael. Luckily at isang trial na lang ang mangyayare dahil matibay ang ebidensya na inilatag ng panig namin. Kaya naman naparusahan si Sir Michael ng life imprisonment dahil don. Si Sir Nero ay nasa kompanya na rin ngayun at umalis na sya bago pa matapos ito. Maya maya ay nagpasya nakong lumabas ng trial Court at nakasalubong ko pa si Mario na nakaposas at dala ng dalawang pulis paalis na ng court na to.
"Mario. Salamat"
Tumango sya.
"Tama ka naman eh. Salamat sa suggestion mo. Pasabi narin kay Sir Nero na salamat"
"Makaka asa ka"
"Isa pa. Naniniwala ako sa sinabi mo na magiging ama nako. Kaya dapat kahit papa ano magbago nako at pag lumaki sya. Laya nako at kaya nyakong ipag malaki"
"aasahan ko yan sayo. Alam kong magagawa mo yan"
"Naniniwala rin ako na kung gusto mong mapasaya at maalagaan ng mahal mo sa buhay. Dapat alam mo sa sarili mo na handa ka na at kaya mo"Napatawa ako ng bahagya. Bumaba kasi ang sintensya sa kanya dahil sa tulong nya at pag amin. At dahil narin sa tulong ni Sir Nero para sa kanya.
"Sige na."
Tinapik ko sya sa balikat at maya maya ay dinala na uli sya ng mga pulis palabas. Lalabas narin sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya agad kong sinagot at si Lance yun. Nagkakagulo na naman daw ngayun sa opisina ni Sir Nero. Kaya mabilis kong binaba yun at tumakbo palabas at sumakay sa kotse. Mabilis ko rin yung pinatakbo at pumunta agad sa kompanya. Pagdating ko dun kakaunti ang personnel na nasa baba. Kaya umakyat agad ako sa taas. At pagdating na pagdating ko dun. Nakatayo si Sir Nero sa harap habang nagsasalita ang ibang personnel.
"CEO! Pag ipinasara nyo to ngayun. Mawawalan kami ng trabaho. Alam nyo naman na ito lang ang pinagkukunan namin ng kabuhayan. Paano na kami?"
"oo nga po. Matagal na kami dito. San pa kami kukuha ng pera. May mga pamilya po kami"
"CEO! Kawawa naman ng mga anak ko. Paano na"Napatingin ako kay Sir Nero na seryoso ang muka.
"Wag kayong mag alala isa sa mga Shareholders ko ang nag open ng job hiring at ang iba sa inyo ay mapupunta ron."
"Ano po ang iba?"
"May iba na iaassist ang bagong designer para maging handa sa susunod na pagbubukas nito"
"CEO. Kelan pa po yun? Kelan pa magbubukas uli?"
"Kaya nga bibigyan ko kayo ng kapalit na trabaho"
"Sir. Sa dami naming ito. Lahat po ba ay mabibigyan?"
"Hindi."Napatungo ako at napasighay.
"po?"
"Lahat ng naging loyal sa kompanya ay mabibigyan o maiiwan. Pero lahat ng alam kong naging kasabwat ni Tito Michael sa mga ilegal na gawain dito ay tatanggalan ko ng trabaho at hindi na uli makakatungtong dito"Natahimik silang lahat at nagtinginan. May ibang nag bulungan at may iba ring nakangiti. Sa tingin ko naman y tama lamang ang kanyang desisyon.
"Sige na. Umalis na kayo. Si Lance na ang bahalang magsabi sa inyo kung sino ang mananatili at kung sino ang aalis"
Wala na silang nagawa at sumang ayon na lamang din.
"Sige na sige na. Bumaba na tayo. Magkita kita na lang tayo sa Managerial Department sa baba"
Sabi naman ni Lance. At ganun na nga ang ginawa nila. Nagsibaba na silang lahat at tinanguan ko naman si Lance bago rin sya lumabas at bumaba. Napatingin naman ako kay Sir Nero na kinuha ang kahon nya sa lamesa nya at isa isang nilagay ang mga gamit nya.
"Sir?"
"hm?"
"Ngayung gabi na ang flight nyo. Hindi na ba mababago ang isip mo?"Hindi sya umimik.
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
Любовные романыAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...