*Mr. Kuripot and his Yaya*
Chapter 15 (The First)
(Alexandra POV)
Its 9:30 pm.
"Aahhh!!! "
*pak!!! *
"ahhhhhhh!!! "
*Pak!!*
"Ouch!! Fred!! "
"Oh? "
"tss!! Hind ik pa ba matatapos yan? "
"ewan ko. Ahhhh!!! "Tsk!!! Eh hindi ko rin maiintindihan yung pinapanuod namin kasisigaw nya eh. Kaya napilitan na lang akong tapusin din. At mabilis pa sa tigre na pknatay nya yun. Tapos hindi sya makatingin ng diretso sakin. Napatingin ako sa kusina at nandun nakatingin si Lawrence na naka pamay awang at pailing iling. Haysss.
"Grabe pala yung movie"
Tiningnan ko lang sya ng mapanghusga.
"bakit hinahayaan nila na ipapanuod yun sa mga High School diba? "
"alam mo, ewan ko sayo"Tumayo nako sa sofa at pumuntang kusina para ilagay ang pinagtimplahan ko ng choco milk. Nakasunod naman sya.
"Hay naku, salamat sa poong may kapal at natapos na ang kalbaryo ng tenga ko! "
Sabi ni Lawrence.
"eh ito kasing si Fred eh, manunuod nuod ng ganun, tapos takot naman pala"
Tatawa tawa si Fred na umupo at uminom ng tubig.
"Lawrence, ano pa bang ginagawa mo dito sa kusina? Mag aalas 10 na eh. "
"Ahh, pini prepare ko lang yung mga gulay at meat para ready to cook na lang bukas ng maaga. "
"Para san? "
"baon nila Sir Vhon at Nathan, kasi mamamasyal daw sila. "Umabat naman sa usapan si Fred.
"mukang tuloy na nga ang pag balik ni Sir Vhon sa Japan"
"kaya nga eh. Ang bilis lang"Nag kibit balikat na lang ako at hinugasan na yung tasa ko.
"Mauna nako sa inyong matulog ha. Napagod nako eh"
"Sige sige"Tumango na lang silang dalawa. Bago ako pumasok sa kwarto ko, sinilip ko muna si Nathan, magkatabi na naman sila ni Sir Vhon, napangiti na lang ako kasi para na rin silang mag ama. Napatingin ako kay Sir Vhon at naalala ko na naman yung sinab in nya kanina. Hinampas ko ang sarili kong ulo at isinara na ang pinto. Tsaka pumasok sa sarili kong kwarto. Naghilamos muna ako at naghanap ng pantulog na damit, at habang naghahanap. Hala!! Anong susuutin ko bukas dun sa sinasabi ni Lawrence? Hinalungkat ko ang mga gamit ko at Wala! Wala ni isang damit na presentable. Puro pang trabaho!! Para akong nadismaya sa sarili ko at napahiga sa kama ko. Anong klaseng babae bako? Ni hindi man lang ako nakapag dala ng presentableng damit. Tss!! Ala ewan! Bahala na bukas. Nakatulog nako at Maagang nagising sa Alarm Clock ko na pagka lakas lakas. Nagpumilit nakong bumangon at naligo. Pagkatapos magpalit ay lumabas muna ako para magtimpla ng pampagising na makasalubong ko si Fred na bihis na bihis na.
"Goodmorning"
"Hindi ka nakatulog sa takot hula ko. "Natawa sya at lumapit sakin.
"Wag mokong simulan"
Nag make face na lang ako.
"Sya nga pala Alex, pakisabihan naman si Sir Nero na inaantay ko na sya sa labas ha"
"ahh sige sige"Tapos pumunta na syang salas palabas, na nakipag biruan pa kay Ricky na busy sa pagpupunas ng gamit. Ganun na nga ang ginawa ko at kumatok sa pinto ni Sir Nero bago pumasok. Naabutan ko syang nag sstruggle sa pag aayos ng polo nya. Kaya lumapit ako at tinulungan sya.
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
RomanceAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...