Part 24 (Reveal)

126 5 0
                                    

*Mr. Kuripot and his Yaya*

Chapter 24 ( Reveal )

(Fred POV)

6 Am ng umaga at marahan akong nagbibihis dahil sa mga sugat ko.  Tsk! I have the gun,  but dont have the courage. Napapangiwi na lang ako tuwing nasasanggi ko yung mga sugat ko. Binuklat ko ang bag ko at nakita ko yung baril. Hindi ko alam kung dapat ko bang dalhin pa. Nagukat ako at naisara ko agad ang bag ng may biglang kumatok kaya binuksan ko agad.

"Alex? "
"Goodmorning"
"may kaylangan ka?"
"Ahh,  yung mga sugat mo.  Titingnan ko sana kung okay na. Alam ko namang hindi ka magpapahinga at sasama ka parin sa kompanya"
"Ahhh. "
"okay lang? "
"Pasok ka"

Pinapasok ko sya at naghanap naman ako ng necktie. Binaba nya sa lamesa ang first aid kit nyang dala. Lumapit sya sakin.

"Patingin nga"

Hinila nya ang braso ko at itinaas ng bahagya ang kamay ng polo ko.

"sabi ko na eh.  Aalis ka ng hindi mo manlang napapaltan ng benda. Pati yang sa ulo mo, papaltan ko narin ha"

Bumuntong hininga na lang ako at tumango sa kanya.

"Alam ko, gustong gusto mo na malaman at makakuha ng ebidensya kung sino ang may kagagawan nito.  Pero ipapaalala ko lang ha. Wag basta sugod ng sugod.  Hanggat maaari kumalma.  Mas mabuti parin yung nag iingat"
"Hayy,  mukang kaylangan ko ng mag ready ng insurance"

Tumingin sya sakin ng masama.  Haha.
Bigla nyang pinindot ang sugat ko.

"Ah!! Huy!! "
"Sari sari ang naiisip mo"

Napangiti ako.

"eh yang mga kalmot mo?  Ano nangyare dyan"

Natawa sya.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong nakipag bardagulan ako? "
"oo naman"

Sinamaan nya na naman ako ng tingin hahaha.

"joke lang."
"Hmm."

Maya maya natapos na nyang paltan ng benda ang ulo ko at braso.

"Ayan okay na.  Sabihin mo lang sakin pag dumugo uli ha. "
"Yes Doc! "
"tss.. "

Nginitian ko sya.

"dyan ka na. "

Lumabas na sya ng kwarto.  Nawala ang ngiti ko sa muka. Sana hindi na mawala sa muka nya yung mga ganung ekspresyon.  Dahil pag ganun sya,  malalaman mo agad na masaya at okay sya. Tinuloy ko na ang pagbibihis at alam kong bihis narin si Sir Nero.

(Alexandra POV)

"Yaya,  I dont like this. Palit po tayo"
"no no.  Kape to Nathan eh.  Bawal pa sayo uminom ng marami nito"

Nandito kami ni Nathan sa Terrace,  at pinaiinom ko sya ng hot Apple drink.  Kaso ayaw nya raw ng flavor.

"Eh,  nakakahilo po yung amoy. "
"Huh?  Hmm.  Gusto mo ba ng orange flavor? "
"ayoko po"
"ahh,  eh kalamansi flavor? "
"Sige po"

Ayun naman pala eh.  Sus,  parang si Sir Nero din.  Adik sa Kalamansi flavor.

"Sige kukunan kita agad ha."

Pagtayo ko.

"AHH!! "

nagulat ako at napakapit sa lamesa.  Eh kasi naman parang estatwa na nakatayo sa pinto si Sir Nero.

"Sir!  Anong ginagawa nyo dyan? "
"nakatayo"
"oo nga po. I mean,  kanina pa kayo dyan"
"Ngayun lang. Anong ginagawa nyo?"

Tumingin ako kay Nathan at halatang abala sa puzzle na nilalaro nya.

Mr. Kuripot and his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon