*Mr. Kuripot and his Yaya*
Chapter 36 ( Funeral )
(Alice POV)
Its 10 pm ng gabi. At lahat sa paligid ko ay magulo. Nasa labas lang ako ng kwarto ni Tit Martha dito sa ospital. May mga reporters na nagpupumilit pumasok sa loob. Wala akong magawa. Nakatulala lang ako dito sa labas ng pinto. May mga reporters na lumapit sakin pero tumalikod na lang ako at pumasok sa loob. Dy*sko. Ang sakit at naaawa ako. Kasi ngayun. Wala ni Isa ang dumadating sa kanya. Tiningnan ko ang mga kamay ko. Nararamdaman ko pa yung panginginig. Naabutan ko na lang sya dito kanina na hindi na humihinga. Nung una natakot ako. Paulit ulit ko syang binigyan ng hangin pero sa huli wala na talaga. Wala na. Napatingin ako pinto ng sumulpot dun ng bigla si Ricky na parang may sakit at may mga kasamang lalake.
"Ricky? Si Nero?"
"Doc."Umiling iling sya.
"nandito po ako kasi pinautos nyang dalhin sa purinarya si Ma'am martha"
"Nasan ba sya? Hindi manlang ba nya titingnan ang nanay nya?!"
"Pasensya na po. Utos nya lang po yun sakin. Kaylangan ko pong sundin agad"Naghimas ako ng ulo at wala ng nagawa ng kunin na nila si TIta Martha.
"sasama ako"
"sige po"Nagmadali na kaming alsin sya dito sa ospital dahil ang daming gustong makakita ng katawan nya. Kasqma nila ay pumunta kami sa purinarya. Pagdating namin don ang dami ng guards at ibinaba na nila ang katawan ni Tita. Ipinasok na nila sa likod. Siguro para sa embalsamo. Pero ako nakatulala lang dito sa harap ng purinarya. And daming guards. Ito? Ito na lang ba ang magagawa nya? Huminga ako ng malalim at napag pasyahan na sumunod sa likod ng purinarya. May mga dumating na detectives agad.
"Kamag anak po ba kayo?"
Umiling ako.
"ako po ang doktor nya."
"Si..Mr. Nero po? Andito po ba?"Napatungo ako at umiling uli.
"ganun po ba? Sigurado naman pong pupunta sya? Maari nyo po ba syang kontakin? Kaylangan po sya dito eh. May mga hihingin po kaming impormasyon at hihingi rin po kami ng authority na imbestigahan ng katawan ng nanay nya."
"sige po, susubukan kong tawagan"Dumiretso na sila sa loob. Hinanap ko ang cellphone ko at dinial ang number ng cellphone nya. Pero naka ilang ulit nako ay hindi parin sya sumasagot. Bakit ba ayaw nyang sagutin!! Tsk!! Napaupo na lang ako dun at nag takip ng muka. Anong gagawin ko?!! Kasalanan ko to eh! Kung binantayan ko lang sya ng tuloy tuloy at kung ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para ma revive sya hindi sana aabot sa ganto. Tumayo uli ako dun at nag isip kung pano ko makakausap si Nero at kung pano ko sya mapapapunta dito. Hindi pwedeng ganto. Nagpabalik balik ako sa pwesto ko kakaisip at napatingin ako ng maya maya lang ay may dumating na naka kotse. Iniluwa nun si Nero na walang ekpresyon ang muka. Kasama si Lawrence at Nathan. Tumakbo palapit sa kanya si Ricky at inalalayan sya. Naiwan naman sa labas ng kotse si Nathan at Lawrence. Marahan silang naglakad palapit sa pwesto ko kaya Sinalubong ko sila.
"Nero"
Napalinga sya sa direksyon ko.
"Mabuti nandito ka na. Pumasok ka na dali. Pagpasok mo dun sa unang pinto nandun---"
"Ricky."
"Sir?"
"Tawagin mo yung mga detectives na lumabas na lang dito"Nanlaki ang mata ko.
"Pero Sir"
"Bilis!!"
"sandali."Pinigilan ko si Ricky.
"Hindi mo manlang ba pupuntahan ng nanay mo?"
"Hindi ko rin naman sya makikita. Para ano pa?"
"ano bang nangyayare sayo"
"wala akong panahon makipag talo sayo Alice!"
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
RomanceAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...