Part 48 (Her Hands)

128 5 0
                                    

(Alexandra POV)

Nasa Kotse padin kami at pakanta kanta pa sa pag da drive to si Nero. Hala, baka masanay ako na Nero na lang ng tawag ko sa kanya. Tumingin ako sa relo at mag aalas singko na nga at ihahatid nya na muna ako pauwe. Ng makarating na kami ay tumigil na sya sa may kanto papasok sa daan papuntang bahay namin.

"Dito nako. Thank you ha"
"Thank you lang"
"Tama na ha. Inistress mo nako ng todo kanina"

Natawa sya sakin.

"Pero seryoso. Thank you Alexandra"

Ngumiti ako at tumango. Tinitigan nyako at hinimas sa ulo.

"I want you again in my house"

Napasighay ako.

"Sa tingin ko naman. Hindi nyo na kaylangan ng Yaya ngayun eh"
"Not as Yaya"

Sumeryoso ang muka ko.

"hm?"
"But as you. Ikaw. Bilang Girlfriend ko"

Nagkatitigan kami pareho. Naisip ko lang. Kung mangyayare yun baka naman masyadong mabilis.

"Titingnan natin. Wag tayong masyadong magmadali"

Parang nag isip sya tapos Ngumiti sya at tumango.

"Bababa nako"
"Sige. See you later."
"later?"
"oo. Baka bigla kitang ma miss. Pupuntahan kita"

Natawa ako sa kanya. Ganto ba sya magmahal? Nakakatuwa.

"Sige. See you later"

Binuksan ko na ang pinto at bumaba tapos yumuko uli ako para magpaalam uli.

"Una na ko"

Tumango sya kaya sinara ko na ang pinto. Tapos pina andar nya na ang kotse. Kaya tumalikod nako at nagsimulang maglakad na papuntang bahay. Natawa ako bigla sa sarili ko habang naglalakad. Nakaka baliw lang isipin na may Boyfriend nako. Ang ang hindi kapani paniwala ay si Sir Nero pa. Yung taong hindi mo aakalain na makakasundo mo sa unang beses na pagkikita. Pano ba kami umabot dito? Samantalang ang lamig lamig ng trato nya sakin nung una pa. Ang buhay nga naman. Walang pinipiling tao at panahon. Pero atleast sa ngayun. Parang alam ko na ang purpose kung bakit imbes na linya ng tinapos ko ako mapunta ay napunta ako sa pag yayaya. Bumuntong hininga ako. Sa tingin ko naman. Walang akong pinag sisisihan sa lahat ng nangyare. Kahit pa buwis buhay ang mga pinag daanan namin. Hayyyy. Malapit nako sa bahay ng biglang magulat ako dahil may kotse na agad akong kasunod kaya napalinga ako sa likod ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Nero.
Tumigil ako sa paglalakad kaya tumigil din ng kotse nya tapos bumaba sya at tumingin sakin.

"Ang bilis naman ng Later mo. Anong ginagawa mo rito?"
"Uhmmm"

Sinara nya ang pinto at dahan dahang lumapit sakin.

"Actually. May naisip ako"

Kumunot ang noo ko.

"ano?"
"Naisip ko lang na. Siguro dapat nakong magpakilala sa Nanay mo at sa Ate mo."
"HUH?!!"

Nanlaki ang mata ko.

"ki-kilala ka na nila!"
"Oo pero hindi bilang Boyfriend mo"

Napahawak ako sa noo ko. Ano ba namang pinag iiisip ng taong to.

"Diba pinag usapan na natin. Na hindi tayo dapat magmadali?"
"Oo nga. Gano pa ba katagal? Ang tagal na nating magkakilala. At ikaw narin ang nagsabi kilala na nila ako."
"Oo nga. Pero sa tingin ko sa susunod na lang.
"Nandito narin ako. Ngayun na."

Lalakad na sana sya papuntang bahay pero pinigilan ko sya.

"Nero."
"o? Tara na"
"Wag muna ngayun"
"bakit?"
"uhmm. Ayun. Wala naman si Nanay dyan eh. Nasa Batangas sya sa mga kamag anak namin. Kaya hindi pa pwede ngayun."
"Talaga? Then pupunta tayong Batangas"

Mr. Kuripot and his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon