*Mr. Kuripot and his Yaya*
Chapter 25 (The Third)
(Lance POV)
Nandito ako ngayun sa harap ng opisina ni Sir Nero. Nag hehesitate kung papasok ba ako o ghindi. Hindi ko nga alam kung ano bang ginagawa ko dito. Tumalikod ako saglit at nag isip, tama ba tong gagawin ko? Pano kung lalo lang lumala ang sitwasyon? Pano kung wala ng lunas ang problema na to? May karapatan ba akong maki alam? Dapat ko bang ipa alam kung ano ang nalalaman ko? Huminga ako ng malalim at humarap na uli sa pinto.umuwe na si Martha at halata namang na momroblema si Sir Michael sa opisina nya. Naglakas loob nakong kumatok sa CEO Office. Mabilis namang may nagbukas nun.
“Sir? Si Mr. Lance po”
“papasukin mo”
“pwede ho ba kayong maabala?”
“hindi kita papasukin kung hindi pwede”Nagdiretso nako ng pasok sa loob at naglakad palapit sa harap ng lamesa nya.
“gusto sana kitang makausap”
Bumuntong hininga sya.
“Ricky?”
“Sir?”
“Iwan mo muna kaming dalawa”
“Yes Sir”Lumabas na yung alalay nya at naiwan nga kaming dalawa sa loob.
“Anong kaylangan mo?”
Napapikit ako. Hindi to alam ni Martha, pero bakit ba sa tingin ko, kaylangan ko tong gawin.
“Wag mong sayangin ang oras ko”
“Tungkol sa nangyare kanina”
“kanina?”
“Alam kong pinaghihinalaan mong si Martha ang may pakana ng lahat.”Bigla syang natawa at sumandal sa upuan nya.
“Nandito ka ba para ipagtanggol si Martha? Atsaka anong sabi mo? Martha? Ganyan na talaga kalalim ang relasyon mo para tawagin sya sa pangalan nya?”
Napaiwas ako ng tingin.
“Hindi to tungkol dyan”
“eh tungkol saan? Sa pagkunsinti mo? Alam mo nakakatawa ka. Alam mo ba sa sarili mo na dumadagdag ka pa sa problema?”
“alam ko, pero hindi ako nandito para mangunsinti”
“wow. Sasabihin mo bang tutulong ka?”
“may gusto lang ako sabihin at ipa alala sayo.”Tumahimik sya.
“at anong karapatan mong magpa alala ng bagay bagay sakin? “
“Alam kong alam mo na kung sino ang tunay na salarin sa pagkamatay ng kapatid mo at pagkabulag mo. Pero gusto ko lang sabihin na wag kang magpadalos dalos sa magiging desisyon mo. Hayaan mong ipa intindi ng nanay mo ang sides nya sayo”
“lumabas din sa bibig mo mismo. Nakikialam ka na ngayun sa problema ng pamilya namin. Anong sunod? Magsasama na kayo sa iisang bahay?”Huminga ako ng malalim. Alam kong hindi ako mananalo sa taong malalim ang galit. Kumalma na lang ako.
“Kahit anong galit at poot meron ka, wag mong kakalimutan na nanay mo parin sya”
“wag kang umaktong parang ama kita. Tandaan mo, mas matanda ako sayo. Isa ka lang taong nanghihimasok sa pamilya namin”
“Pwede ba Sir Nero, kahit ngayun lang, buksan mo yang isipan mo. Wag puro galit ang isipin mo. Ayoko ring lumala pa to. Pero sana kahit konting oras lang, magawa mong kausapin ang nanay mo. Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon nyo.”
“Umalis ka na”Halata sa muka nya at sa tono nya na hindi na maganda ang mood nya
“at tama ka. Hindi lang ako nandito para paalalahanan ka. Handa akong tumulong sa paghahanap mo ng ebidensya. Hindi lang para kay Martha, kundi para hindi narin madamay pa si Alexandra dito.”
Tahimik lang syang nakikinig.
“Hindi ako dumidikit sa nanay mo dahil sa pera o kung ano mang hinala mo. Ng magkakilala kami, wala akong alam sa kahit na anong alam ko ngayun. Walang alam si Martha sa pag uusap natin nato. Dahil alam ko, may maitrutulo ng ako”
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
RomanceAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...