*Mr. Kuripot and his Yaya*
Chapter 21 (The Actual)
(Alexandra POV)
Alas 7 imedya na pero nasa daan parin kami, sobrang lakas kasi ng ulan kaya marahan lang ang takbo ni Fred. Kahit ako wala ng makita sa labas. Ganun uli ang pwesto namin. Nasa tabi ni Fred si Sir Nero at ako sa likod. Tahimik ako pero kanina pako isip ng isip. Napatingin ako sa likod ni Sir Nero na halatang nakatulog na ata. Kanina lang umamin sya sakin. Hinawakan ko ang noo ko. Bakit ganun, parang di ako makapaniwala na ang isang katulad nya nagkagusto sakin. Hindi ko rin alam kung anong irereact ko at isasagot ko. Pero kanina, parang hinayaan ko lang sya sa ginawa nya. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam kung kaba, excitement o iba na ang dahilan ng tibok nito. Napatingin rin ako sa salamin at nakita ko naman ang seryosong muka ni Fred. Medyo na aalangan ako na may hiya. Alam kong nakita nya. Pati yung sa park dati, alam kong nakita nya rin. Sumighay ako at pumikit at sumandal na lang. Nagulat ako ng biglang itigil ni Fred ang kotse kaya nagising rin si Sir Nero.
"What happened? "
Sumilip ako sa harap ng kotse.
"May mga nakaharang eh."
Oo nga, may mga kotse na nakatigil at mga taong nakatayo lang dun na parang mga nag aantay. May mga pamilya din.
"Ano nangyare? "
Tanong ko. Maya maya may lumapit samin na naka kapoteng lalake at kumatok sa sasakyan. Kaya ibinaba ni Fred ang window ng kotse.
"Anong hong meron? "
"Naku, wala pong madadaanan sa ngayun. Lampas bewang na ho ang baha dito sa mababang parte ng daan eh. Hindi ho muna namin pinahintulutan dumaan ang mga motorista pati mga kotse. Malakas rin ho kasi ang agos dahil sa ilog na karugtong nito. "Nagsalita naman si Sir Nero.
"Matagal bang humupa yan? "
"Hindi po masisigurado, walang tigil parin ang ulan. Mas mabuti, mag antay na lang muna kayo. Pag tumila na ang ulan. Bukas ng maaga pwede na ulit madaanan."Bukas ng umaga? "
"opo"Parang nadismaya ang paghinga ni Sir Nero at sumandal uli sa upuan nya.
"Salamat ho"
"Sige ho"Isinara na uli ni Fred.
"Sir, mukang matatagalan pa bago tayo makalampas. Lalo pang lumalakas ang ulan. "
Napahimas ng noo si Sir Nero.
"Try to know kung anong lagay ng panahon. "
"Actually usapan sa bayan kanina Sir na may bagyo talagang papasok ng bansa. Dala siguro Sir ng Hangin ang malakas na ulan na to. So malaki ang posibility na hindi pa tumila ngayun Sir. "
"tsk! Scam!! "
"po? "
"Yung binalita sa TV kanina bago tayo umalis. "
"ahhh, well unpredictable naman po ang panahon. "Huminga sya ng malalim.
"Bumalik ka muna for now. Humanap ka ng malapit na matutuluyang hotel. Masyado na tayong malayo sa Bahay kanina."
"Yes Sir"At yun na nga ang napag desisyunan nilang dalawa. Kaya bumalik na si Frdd para maghanap ng malapit na matutuluyan. Mukang tumulog na lang naman uli si Sir Nero, na bwisit siguro sa panahon. After ilang minutes tumigil kami sa isang ga s station at bumaba si Fred at nagtanong. Ng bumalik na sya sabi nya may malapit na ditong hotel kaya nag drive na uli sya. Pikit pa rin si Sir at kami ni Fred tahimik lang. Napatingin ako sa salamin sa harap at naabutan kong nakatingin rin si Fred kaya nagulat ako.
"ayos ka lang? "
"ha? Ahhh oo naman"
"Sorry kung ginabi na ko pagbalik"
"Okay lang. Kanina pa naman maliwanag pa umulan eh. Wala naman tayong magagawa."
"dont worry, may matutuluyan naman tayo"
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
RomanceAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...