Part 6 (Fried Chicken)

175 6 0
                                    

(Alexandra POV)

Dala dala ko ang Box palabas ng kwarto na yun. Tumigil pako sa harap ng kwarto ni Sir Nero ng nakasimangot.. Hm?  Bat ba ako sumisimangot. Abnormal na ata yung bunganga ko. Tinuloy ko na ang paglalakad ko.  Mamaya ko na lang ibibigay to sa kanya,  magpapalit na muna ako. Habang papunta sa kwarto nadaanan ko ang kwarto ni Nathan,  at nagulat ako kasi nakasilip na naman sya dun. Napangiti ako at inilapag muna sa isang lamesa na pinag lalagyan ng vase yung box.  Nagpagpag pako ng sarili bago ako lumapit sa kanya.

"Hi. "

Ngumiti sya sakin.

"bakit hindi ka pa nagbibihis.  Maya maya sisimulan na natin yung party mo. "

Nabigla ako ng hilahin nyako sa kamay papasok ng kwarto nya. Pagpasok dun nagulat ako kasi parang kulong na kulong sya dun kasi nakasara lahat ng kurtina sa bintana. Plus hindi nya binubuksan ang ilaw nya.  Tanging liwanag lang sa lamp shade ang nagpapaliwanag ng kwarto nya. Binitawan nyako at umupo sa kama nya.

"Uhm,  Nathan? Bakit ang dilim naman dito sa kwarto mo? "

Naglakad ako palapit sa kanya at lumuhod sa harap nya.

"bakit moko hinila dito? May kaylangan ka ba? "
"Tulungan nyo po ako"
"Tulungan saan? "

Tinuro nya yung damitan nya.

"ahhh.  Hindi mo alam kung anong isusuot mo? "

Tumango tango sya

"wag ka mag alala,  ako ang bahala sayo"

Tumayo ako at pumunta sa damitan nya,  kaso,  hindi ko masyado makita ang itsura ng mga damit dahil madilim.

"Nathan? Okay lang ba buksan natin ang kurtina? "

Medyo nagisip pa sya.

"wag ka mag alala.  Atsaka mas maganda rin sa mga batang katulad mo yung natatamaan ng liwanag mula sa araw at nakikita mo yung liwanag mula sa labas. Napansin ko kasi lagi ka na lang nandito sa kwarto mo.  Minsan nga napapaisip ako kung pano ka pa naaagalaan lalo't ayaw mong magpakita"

Huminga sya ng malalim at tumango na lang. Ngumiti ako at binuksan ang mga kurtina. At tulad nga ng inaasahan ko.  Napaka ganda ng kwarto nya pag maliwanag.

"see? Ganda diba"

Tumango na lang sya uli.  Ako naman naghanap na ng masusuot nya.  Simple lang.  Kulay pulang tshirt at pants na black. Magandang lalake naman si Nathan kaya babagay sa kanya lahat.

"Eto,  bagay na bagay to ngayun na isuot mo"
"salamat po"

Uhhh.  Ang cute cute nya. 

"o sige na,  maligo ka na at magpalit tapos babalikan na lamang kita pag nakapag bihis narin ako"

Ngumiti sya at tumango.

"uhm,  Nathan,  papapasukin mo pa naman ako dito mamaya diba? "
"opo"

Naalala ko nung unang beses ko sya makita dahil pinilit pa namin syang palabasin nung araw na yun.  Umiiyak sya. Napangiti ako at pinisil sya ng bahagya sa pisngi. Nagpaalam nakong lalabas pero bago ako lumabas.

"Ate Alexandra? "

Hm?  Naalala nya ang pangalan ko.

" Ano yun Nathan? "
" Damihan nyo po ang Fried Chicken ha. "

Biglang nawala sa muka ko ang ngiti.  Hala!!! Yung Fried Chicken!!!

"ahhh,  oo oo.  Dont worry dadamihan ko"

Pagtapos ay bumaba na sya ng kama dala ang mga pamalit nya at pumasok na sa banyo. Nahampas ko ang sarili kong ulo. Sira ul* ka Alex.  Yung Fried chicken!!!!!  Mabilis akong lumabas ng kwarto nya na natataranta.  Dinampot ko ang box at nagtatakbo pero nagka gulatan pa kami ni Lawrence na palabas ng kusina. Muntik ko ng mabitawan yung box.

Mr. Kuripot and his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon