*Mr. Kuripot and his Yaya*
Chapter 43 ( The Fair Game )
(Alexandra POV)
"A-Alexandra?"
Parehas lang kaming natulala sa isat isa. Napatingin ako mula paa nya hanggang sa muka nya. Nagpunas ako ng luha. Nakikita nyako. Nakikita nyako diba?
" Sorry kung nabigla kita. Akala ko lang kasi kaboses mo sya. Pareho din kayo ng pabango eh"
"Sir."Natigilan na naman sya at nanlaki ang mata ng sabihin ko yun. Parang tumigil ang mundo namin pareho.
"Wait. Pero hindi ako pwedeng magkamali"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at nataranta.
"Aaaaa!."
Napakamot ako sa batok ko. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Anong ikikilos ko.
"I'm right. Alexandra!"
"Na-na-naiihi ako. Sorry Sir. I have to use the CR."
"Ha?"Naglakad ako palabas ng lamesa ko at nilampasan sya.
"San ka pupunta?"
Tingnan mo nga naman. Ang sabi ko mag ccr ako pero bat palabas ako ng Clinic!! Ala ewan bahala na.
"Alexandra!"
Nagpaliban liban ako. San ba ko pupunta?
"Alexandra saglit"
Ay may trabaho ako. Babalik sana kaso makakasalubong ko sya.
"Alexan.. Tsk!"
Nagulat ako ng tumakbo sya at hilahin ako sa braso at iharap sa kanya. Kaya gulat na gulat akong tumingin.
"Now I see you"
Hindi ako makaimik. Ngumiti sya sakin. Tinitigan nyako.
"Ikaw nga."
"A-akala ko po nasa.."
"Well, I'm back"Napatigil ako. You're back? Ganun lang yun? Umalis ka ng walang kasiguraduhan na babalik ka then sasabihin mo you're back?
"Nakikita moko?"
Ngumiti sya ng napakalawak.
"Clearly"
Nagkatitigan kami. Umatras ako at tinanggal ang pagkakahawak nya sa braso ko. Sumeryoso naman ng muka nya.
"Sa wakas. Nagkita na tayo"
Eh alam nya naman kung san ko nakatira eh. Bat hindi nyako pinuntahan.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tinaas nya ang kamay nyang may dalang envelope.
"I need to get this para kay Nathan. Si Doctor Zenny ang ang nag poprovide ng medicines nya dati pa"
"Kilala mo si Doc Zenny?"Namulsa sya at tumango.
"Dahil ba kay Fred kaya ka napunta sa trabahong to?"
Napaisip ako tapos tumango na lang.
"Well. Pag kilala ni Fred. Kilala ko rin"
"ahhh"Natahimik uli kami pareho. Kaya umiwas na lang ako ng tingin.
"k-kamusta ka na? Alexandra?"
Napatingin ako sa kanya ng bahagya. Bakit ganto sya. Parang hindi si Sir Nero na nakilala ko magkikilos. Naka long sleeve lang sya at naka black pants at rubber shoes. Unlike dati na lagi syang naka suit. Parang ang laya laya nya lang din kong kausapin pagkatapos ng lahat ng nangyare. Bakit parang ako na naman yung apektadong apektado? Bumuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
RomanceAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...