Part 50 (Endless)

242 8 1
                                    

Final Chapter

*AFTER 2 MONTHS*

(Nero POV)

"Mahal"
"hm?"
"Mahal!"

Humarap ako sa kanya

"Ano yun?"

Nandito kami ngayun sa bahay sa Green Rose at kasalukuyan akong may inaasikaso sa balkonahe at nakaupo sa harap ng lamesa ko. Kanina pa sya kulbit ng kulbit sakin sa gilid habang nakahiga sya sa duyan sa likod ko.

"Anong kaylangan?"

Ngumiti sya sakin.

"Calamansi Juice"
"okay"

Pinisil ko sya sa pisngi at tumayo ako para kunan sya nun.

"Mahal. 1 teasepoon lang na sugar po. Salamat"
"copy"

Napakamot ako sa ulo ko at natawa na lang ng bahagya. Akalain mo nga naman. Dati dati lang ako ang naguutos sa kanya na timplahan ako ng Calamansi Juice. Ngayun ako na ang inuutusan nya. Sa lahat ba naman ng pwedeng paglihihan. Bakit ito pa. Binuksan ko na ang Ref at kinuha ang mga kalamansi at ginawa na nga yung juice. Pagkatapos ay bumalik na uli ako sa labas.

"Mahal. Dahan dahan ha"

Umupo sya ng bahagya at kinuha ang juice sakin. Umupo na uli ako at pinagmasdan sya uminom. Alas 2 imedya na ng hapon at mahangin ngayun habang malilom rin kaya napakasarap tumambay ngayun dito sa Balkonahe. Napansin nyako na nakatitig sa kanya.

"Bakit? May dumi?"

Umiling iling ako.

"Ineenjoy ko lang ang view."
"tss"

Napangiti sya.

"Nasa likod mo ang view. Wala dito"
"Ikaw view ko"

Natawa na sya ng bahagya. Hinila ko ang duyan nya palapit sa kinauupuan ko at marahan syang hinalikan sa labi pagkatapos ay ibinalik sya sa pwesto nya. Gulat ang muka nyang nagtanong.

"Para san yun?"
"wala lang"

Ngumiti ako.

"Mahal, may tanong ako"

Tinmingin uli sya sakin habang umiinom ng juice nya.

"Ano yun?"
"Tanda mo pa ba yung una nating meet?"

Nag isip sya.

"hmmm. Oo naman. Sa Flowershop ni Ate. Bakit mo natanong?"
"Kasi naaalala ko nung unang beses kong maamoy ang pabango mo"
"pabango ko?"

Tumango ako.

"Ano namang papel ng pabango ko?"
"Marami"
"Tulad ng?"
"Kahit hindi kita nakikita. Alam kong nandyan ka"
"Ahhhh. Sabagay. Bibihira ang katulad ko ng pabango"
"Parang may Magic"
"Magic? Like dinadala ka sa ibang mundo?"
"hahaha. Hindi naman sa ganun. Parang may tama sya sakin. Kasi tuwing out of control ako. Pag nandyan ka na. Parang wala ng nangyare"
"ahhh. Hindi ba dahil sa yakap ko yun?"
"Wag kang assuming"
"Tsk! Kunyare ka pa dyan"

Nagtawanan kaming dalawa.

"Sya nga pala. Kamusta si Doc Alice mahal?"
"ahhh. Actually paalis sya ngayun. May private patient sya uli na need ng tulong nya. Parang yung akin"
"ahhh. Ang dedicated nya"

Tumango ako.

"Nagtataka lang ako. Bakit ako?"

Kumunot ang noo ko sa tanong nya.

"Bakit ako. At hindi sya. Nasa kanya lahat ng babagay sayo"

Tumungo ako at nag smile. Kinuha ko ang kamay nya.

Mr. Kuripot and his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon