*Mr. Kuripot and his Yaya*
Chapter 33 (CCTV)
(Alexandra POV)
Naglalakad ako sa hallway pababa ng floor ng opisina ni Sir Nero. Nagulat ako ng masalubong ko si Fred.
"Alex?"
"hm?"
"Tapos na ba?"
"Ahhh. Nakalimutan ko. May aayusin pa pala sa bahay. Total nakita ko na yung room. Sasabihan na lang kita kapag okay na. Siguro bukas"Papasok na sana ako ng elevator ng hawakan nyako sa braso.
"May problema ba?"
"huh?"
"bat parang nagmamadali kang umuwe?"
"ahh. Hindi naman."Tinitigan nyako ng seryoso.
"Fred? Yung kamay ko. Bababa nako"
"mag uusap tayo pag uwe"
"ha? Para san?"
"basta. Sabay sabay na tayo"
"hindi na, may dadaanan pako eh"
"Alex!"
"okay lang talaga"Hinigit ko na ng marahan ng kamay ko.
"Uhmm. Una nako"
Nakatingin lang sya sakin habang nagsasara ng pinto ang elevator. Ng magsara na ay nagpakawala ako ng malalalim na pag hinga. Humawak ako sa dibdib ko. Ito ba? Ito ba ang resulta ng magulong isip ko? Hindi ko nga maintindihan kung anong nararamdaman ko. Hindi pwedeng nangyayare samin ang mga bagay na ganun ng walang basehan o kung ano man na namamagitan sa aming dalawa. Ng maka baba nako ay tuluyan nakong umalis. Naglahok na kasi ang hiya at lito sa utak ko. Mabuti pang umuwe na lang muna ako. Pagdating ko sa bahay ni Sir Nero. Sinilip ko agad si Nathan at tulog na tulog na sya. Pumunta muna akong kusina at naabutan ko dun si Lawrence na naghuhugas ng pinggan.
"Alex? Ano? Uuwe ba sila Sir Nero?"
"Hm. Di ko alam eh."
"ha? Anong di mo alam. Diba sa kompanya ka pumunta?"
"oo nga pero. Mukang marami pa silang ginagawa"
"ahhh. Naku sayang naman yung pag kain. Ilang araw na silang busy."
"oo nga eh."
"okay ka lang ba?"
"oo naman."
"muka ka kasing walang gana eh"
"Hindi ha. Napagod lang ako"
"ahhh. Saglit titimplahan kita ng chocolate milk. I got you"Napangiti ako.
"thank you Lawrence"
"sus"Magsimula na syang magtimpla. Ako naman ay umupo at kinuha ang cellphone ko. Tiningnan ko ang notes ko. Mabuti pa siguro tapusin ko na to. Ganun na nga ang ginawa ko habang hinihintay ko ang tinitimpla ni Lawrence para sakin. Ng matapos na si Lawrence ay umupo sya sa tabi ko.
"ano yan?"
"mm. Plano para sa decorations ng opisina ng bagong designer ng kompanya."
"bakit ikaw ng gumagawa nyan?"
"babae kasi yung bagong Designer. Kaya ako ang nilapitan nila"
"ahhh. Patingin nga"Kinuha nya sakin ang phone ko. Maya maya nagpipindot sya dun ng kung ano ano. Pasilip silip lang naman ko. Mga ilang minuto pa ay binalik na nya sakin uli.
"Ayan. Sa tingin ko okay yang ganan"
Tiningnan ko ang mga nilagay nya at napangiti akong muli.
"woww. Ikaw pala dapat ang hiningan nila ng tulong eh"
"well."
"thank you ha. Malaking tulong to"
"No problem"Sumandal ako sa bangko ko at humigop ng tinimpla nya.
"Alexandra, may sasabihin pala ako sayo"
"hm? Ano yun?"Tumingin ako sa kanya.
"Wag kang magagalit ha"
"hm? Oo naman, ano ba yun?"
"kasi. Gusto ko lang malaman kung tama bako ng iniisip"
"okay. Ano yun?"
"May something ba sa inyo ni Sir Nero?"Napatigil ako sa tanong nya at umiwas ako ng tingin.
"Okay lang kung ayaw mong sagutin"
Napatawa ako ng bahagya at tumungo.
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
RomanceAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...