Part 30 (Reminders)

119 6 0
                                    

*Mr. Kuripot and his Yaya*

Chapter 30 (Reminders)

(Nero POV)

Nagising akong masakit ang ulo kaya mahina akong bumangon.

"Ayos lang po kayo?"
"Fred?"
"Yes Sir"

Naghimas ako ng ulo.

"nasan si Alexandra?"
"Umuwe na po muna sa inyo. Kaylangan na po sya ni Nathan dun eh"

Bumuntong hininga ako at tumango.

"Masakit pa bo ang ulo nyo?"

Umiling iling ako.

"Nasan tayo?"
"nandito po sa opisina ni Doc Alice sa ospital"
"Ha?"
"Si Doc Alice po"

Napasabunot ako sa ulo ko. Tsk! Bat dito pako napunta? May bumukas na pinto kaya napalinga ako.

"Hi. Buti gising ka na"

Sumighay ako at napapikit.

"Hi Fred. How are you"
"okay lang ho"
"good. Napano ka? Bag may mga peklat ka pa ng galos?"
"ahhh. Wala lang po to. Nagalusan lang"
"Ahh. Okay"
"Lalabas po muna ako. Sir. Nasa labas lang ako"
"Hindi na. Sabay na tayo, ayos nako"
"po? Pero--"
"Hindi mo manlang ba ako kakamustahin?"

Napatigil ako.

"I think deserve nating magkamustahan"

Tsk!!

"Lalabas po muna ako"

Narinig kong naglakad na sya palabas ng kwarto. Narinig ko naman ang takong ni Alice na lumapit sa gilid ko. Bumaba naman ako ng kama at hinanap ang tungkod ko. Maya maya iniabot nya sakin.

"salamat"
"I can see na medyo sanay ka na ha"
"Sanay saan?"
"sa Mata mo"

Sumighay ako at umupo saglit sa kama.

"Kamusta ka na?"

Tanong ko. Narinig kong umupo sya.

"hmmmm. How do I say this? Maybe, Shock?"
"Bakit?"
"Well, nagulat ako kasi nandito sa ospital ang mommy mo. Nagulat rin ako dahil nandito ka at nahimatay ka"
"Sorry for that"
"its okay. Madalas namang mangyare yan sayo dati eh"

Hindi na lang ako nakaimik.

"I heard, youre taking over the company? I think thats good"
"wala kong choice"
"Meron"
"Ano?"
"Choice para kunin ang position or give it to your mother instead"
"Wala kang alam sa mga nangyare"
"hmm. Tama karin naman. Sorry for that"

Tumayo na uli ako.

"I have to go. May trabaho pako"
"wait. Sa tingin ko dapat kong ipa alam to sayo"
"what?"
"May sakit ng mommy mo"
"alam ko"
"Severe migraine. Can cause aneurysm. At wag na sana umabot run. Alam mo ba yun?"

Natahimik ako.

"Hindi ko alam kung hanggang saan na umabot ang sama ng loob nyo. Pero all I know is, ikaw lang ng guardian nya sa ngayun."
"Bakit ikaw?"
"huh?"
"Bat kaylangang ikaw ang Doktor nya? Bakit mo tinanggap?"

Narinig kong bumuntong hininga sya.

"bakit sa tingin mo?"
"Kung hiniling nya. Hindi mo kaylangang pumayag"
"Nero. Im a doctor. Its not a matter of aquiantance. Hindi ako doktor ng nanay mo dahil kilala ko sya. Or kilala kita. Im a her doctor cause I am a doctor"
"Then its okay"
"How about you?"

Tanong nya.

"Anong ako?"
"kamusta ka na?"
"sinabi mo na kanina. Sanay nako"
"Do you have a girlfriend? Or maybe a wife?"

Mr. Kuripot and his YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon