*Mr. Kuripot and his Yaya*
Chapter 13 (The Truth)
(Fred POV)
Papasok kami ngayun ng office. Halos walang umiimik. Sa totoo lang, alam ko ng kaibigan sya ni Alexandra kaya nga halos ayaw ko syang pasamahin sa office dahil alam kong maninimbang sya, at isa yun sa pinaka mahirap na dedesisyunan nya. Nakayukong sumunod samin si Alex at pumasok din. Umupo si Sir Nero sa upuan at si Alexandra ay nakatayo lang sa harap nya. Maya maya ay kasunod ng pumasok ni Sir Vhon sila Ma’am Martha at si Lance. Hindi nagtitinginan ang magkaibigan.
“Sir? Andito napo sila”
”ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo? Sa loob talaga ng kompanyang to? Wala ka na bang kahihiyan Martha?”
”akala ko ba kahit kaylan, hinding hindi ka na tatapak sa kompanyang to?anong ginagawa mo ngayun dito?”
“diba ito ang gusto mo?yung mamahala ako dito. Para ano? Para magawa mo na yang mga pinag gagagawa mo. At para narin makinabang ka sa kompanya ng wala kang ginagawa?”
“hanggang kelan mo ba ako, paghihinalaan Nero?”
“hanggat may poot pakong natitira sa inyo.”Napahimas sa noo nya si Ma’am Martha.
“O sige. Wala nakong magagawa kung ganyan talaga ang tingin mo sakin, sige ikaw ang humawak nito, ibibigay ko sayo ng buong buo, pero nakikiusap ako sayo, wag mong idamay si Lance sa mga galit mo!”
Parang lalo lang nagalit si Sir Nero sa sinabi nya.
“wala ka na talagang pinipili Martha! Sa sitwasyong to, pinagtatanggol mo pa ang mga taong ganyan! Ni hindi mo nga alam kung anong habol nyan sayo eh! Hindi k aba manlang nahihiya na pumatol ka sa bata? Eh sa pag kaka alam ko mas matanda pako dyan!”
“matagal mo nakong itinakwil Nero, kaya wala akng pakialam sa kung ano man ang desisyon ko, kung sino man gustuhin ko!”
“tama ka. Sige gawin mo ang gusto mo! Pero wag na wag mong idadamay ang kompanya na pinaghirapan ni Daddy na palaguin at pagyamanin sa mga kalokohan mo”Nakita kong tumulo ang luha ni Ma’am Martha.
“wag na wag mong mababanggit ang ama mo dito. Alam mo, ng ama mo at ng diy*s kung pano ko pinahalagahan ang kompanyang to!”
“at wag ka ring magmalinis sa harap ko!”Nagpunas ito ng luha at nagpasyang lumabas na lamang. Nagkatinginan si Lance at Alexandra. Umiling si Alexandra sa kanya na parang sinasabi nyang wag ng sundan si Ma’am Martha, pero tulad ng inaasahan ay sumunod parin ito. Tiningnan ko si Alexandra at mukang dismayadong dismayado sya.
“Fred? Vhon?”
“Yes Sir?”
“kuya?”
“Iwan nyo muna kami.”Nagkatinginan kami ni Sir Vhon at sinenyasan ko na lang sya na lumabas muna kami. Kaya naiwan sa loob si Sir Nero at Alexandra.
“ano ba tong nagyayare nato! Hindi naman ako umuwe para masaksihan lang lahat to eh. At ikaw naman Fred. Bat mo sinabi kay kuya?”
“Sorry Sir. Kinaylangan ko lang po. Ayaw ko naman sa ibang tao pa nya malaman. Mas lalala lang ang galit nya”Napasighay na lang sya at at sumandal sa pader.
(Alexandra POV)
Tahimik lang ako na nakatayo sa harap nya. Habang sya ay nakahawak sa noo at nakatuon sa lamesa ang siko. Hindi ako nagsasalita since hindi ko din naman alam kung anong sasabihin ko. Pero naisip ko na nararapat lang na humingi ako ng pasensya sa nangyare.
“Sir? I’m sorry”
“ang pagkaka tanda ko, sinabihan kita na sa bahay ka na lang at bantayan si Nathan.”
“pasensya napo, nag alala lang ako.”Bumuntong hininga sya.
“alam mo, naiintindihan ko kung kaibigan mo yung tao eh!”
Napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mr. Kuripot and his Yaya
RomantizmAya a fresh graduate girl meet a blind business man with an attitude. Aya needs a job but supposetedly short of opportunities and apparently become a Yaya for a blind man named Nero. Will their encounters meant to be or just bound to meet on the edg...